Advertisers

Advertisers

Beauty Gonzales sawa na maging bida, kontrabida na

0 513

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SIMULA nang maging Kapuso si Beauty Gonzalez  ay hindi na siya nawalan ng magagandang proyekto, at bonggang-bongga rin ang pagtanggap ng kanyang followers sa dalawang naunang serye na ginawa niya, una na nga ang “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette” kasama si Kelvin Miranda at nasundan ito ng first team up nila ni Dingdong Dantes, ang “I Can See You:Alternate.”

Heto ngayon magsisimula  na naman si Beauty na gumawa ng isang serye na tiyak ikagugulat ng kanyang mga followers, from good girl kasi ay magiging isang mean girl naman siya.



Ano kaya ang nag-udyok kay Beauty para maging isang kontrabida after niyang maging sunud-sunod na bida sa seryeng ginawa?

“I’m so excited for them to see me in the show, na ibang Beauty naman ‘yung makikita nila. Gusto ko kasi ‘yung paiba-iba parati, ayoko nang pareho lang ‘yung flavors lahat. I want to be ever-changing,” say ni Beauty.

Marami nga ang nagsasabing humahanay si Beauty sa kategorya ni Aiko Melendez, na ang aura ay pampa-good vibes pero ginawang kontrabida at mas lalong nag-shine ang kanyang showbiz career. Sa galing ni Beauty sa aktingan siguradong she will also make it as a kontrabida, just like being bida as well.

***

GERALD SANTOS TULOY SA MAMASAPANO FILM



HALOS dalawang taon na rin ang nakalilipas nang matsikang kasama si Prince of Ballad Gerald Santos sa isang movie na base sa true to life event ng Philippine history, ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” ng Borracho Productions katulong ang Vivamax, na pinagbibidahan ni Edu Manzano.

At dahil sa tumama ang pandemya sa bansa ay nahinto ang shooting nito at marami ang nag-akalang baka tuluyan na lang i-shelve ito. Pero nitong nakaraang buwan ay muli na naman nag-shooting ang cast, direktor at crew ng naturang pelikula pero halos binago naman ang buong production team, na dati ay ang grupo ni Direk Law Fajardo, ngayon ay sa pamamahala na ni Direk Direk Dimaranan at ng kanyang grupo. May nalaglag din na ilan sa cast dahil na rin sa conflict of sched na siya naman ikinabahala ng followers ni Gerald Santos.

Marami kasing naka-line-up na project  si Gerald this year at may show pa siya sa ibang bansa this  2nd quarter.

“Naka-cluster o naka-sked na kasi ang marami kong artista, so we had to shoot.  Okey naman ang pag-uusap namin ni Direk Law.  Sa five days na na-shoot niya sa movie namin, marami pa rin naman ang retained, but of course, meron ring mawawala na,” say ng produ na si Atty. Ferdinand Topacio.

“Medyo naging difficult uli ang continuation ng shoot namin ‘coz nagkaroon ng bagong surge sa Omicron. But it went smoothly naman. Mas naging mahigpit lang uli sa bubble set up swab tests talaga before we entered the bubble.

“Bale may mga na-shoot na ako na eksena noong late 2020 and then mid-2021 tapos ito another five days na shoot for me. I was actually expecting na mahirap talaga itong role na ito coz he is the lone survivor.

“So when we were shooting na ‘yung battle scenes sa gitna ng maisan from 8:00 a.m.  till night, doon ko lang na-realize kung gaano talaga kahirap. Nakabilad kami sa tirik ng araw, gumagapang, humihiga sa maisan at damuhan. Grabe it was hard but an amazing experience for me!

“Pero ibang level pa ‘yung kinailangan ako lumublob sa ilog para kunan ‘yung pagtatago sa water lily. Grabe talaga! I learned so much from this role. Kaya thank you talaga sa Borracho Film Productions and Atty. Ferdie Topacio for entrusting me this role,” pahayag ni Gerald.