Advertisers

Advertisers

Darren nagtapat, kay Ria nagkukumpisal

0 478

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

THANKFUL si Darren Espanto na meron siyang kaibigang tulad ni Ria Atayde na siyang tumatayong ate para sa kanya.

Ito ay isiniwalat niya nang maging panauhin sila ng “Viral” actress sa programang “Magandang Buhay.”



Kuwento nila, nagsimula raw ang kanilang pagkakaibigan noong 2016 nang magkita sila sa isang Star Magic event.

Ani Ria, noon pa raw ay faney na siya ni Darren dahil bilib siya sa singing voice ng dating “The Voice Kids” finalist.

Noong medyo tipsy na raw siya, nagpakilala siya sa singer at doon nito ibinulalas  ang matinding paghanga sa talento nito.

Nagkalapit din daw sila nang magsama sila sa mall show ng pelikulang “The Hows of Us” ng KathNiel na kanilang pinagsamahan.

Doon daw nagsimula ang kanilang beautiful friendship na halos wala na silang itinatago sa isa’t isa.



“I am so grateful to have Ate Ria in our lives. Kasi we learn from each other po. We learn so many things from Ate Ria. And she really treats us like we’re family po. She goes out of her way to give us gifts out of nowhere, kasi trip niya lang ‘yung mga ganoon po,” ani Espanto.

“Ria Atayde is one of the most selfless people you will ever meet on Earth,” dugtong pa niya.

Katunayan, kahit daw mga payo pagdating sa usapin ng puso, kay Ria lang daw siya nakapag-o-open up.

“Si Ate Ria, I can ask advice about relationships. Hindi ako kasi lumalapit sa mga magulang ko like Ate Ria,” sey ni Darren.

Sa kanilang guesting, sumalang din sila sa kakaibang challenge na “guilty”or “not guilty.”

“Not guilty”daw sila sa mga tanong na nagtago sila ng sikreto sa isa’t isa o nagselos sa iba nilang mga kaibigan.