Ellen inamin, laylay na ang boobs, limitado na ang paseksi sa socmed; Jodi inalala ang pagtitinda ng pocorn sa iskul
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA vlog ni Jodi Sta. Maria, ibinahagi nito sa kanyang socmed ang mga pinagdaanan nito bago nagtagumpay sa buhay, ayon sa tsika niya kay Karen Davila.
Likas naman daw mahiyain si Jodi noon pero gustung-gusto nito umakting.
Nang minsan nga raw nagmemeryenda silang magkakaibigan, may lumapit sa kanila na talent scout at binigyan siya ng calling card kaya pag may audition at go-see ay gora ang Jodi.
Wala nga raw pinalagpas itong sandali basta may go-see at audition.
Umaasa naman ang aktres na sa dami na niyang go-see at auditions ay masuwertehang makuha siya sa commercials.
Pero tila napagod at umayaw na rin si Jodi, ramdam nito na ‘di siya qualified sa hinahanap para sa isang commercial.
Hindi naman nagsara ng pintuan si Jodi at sa pagtawag ng talent scout, naghahanap nga raw ang ABS-CBN ng mga bagong mukha na ibi-build up.
Kaya nag-join si Jodi at doon na raw nag-start ang karera nito.
Naalala pa nga ni Jodi na noon ay P1,500 lang ang kanyang talent fee.
Nagbalik alaala rin si Jodi na noong high school ay talagang nagtitinda ito ng popcorn sa school para may pambaon.
Nangingiti na nga lang si Jodi kapag naalala nito.
***
UMEEPEK na raw ang motherhood kay Ellen Adarna.
Hindi na nga raw ubra ‘yung mga dati nitong posted pics.
Nanay na nga raw siya sa anak nila ng dating partner na si John Lloyd Cruz na si Elias.
Kaya ‘di na puwede magpo-post nung gaya ng dati na wala pa siyang anak.
Napansin din kasi ni Ellen na nabago na ang kanyang pangangatawan simula nang magkaanak.
Kung kaya niya dati, hindi na raw puwede ngayon.
Malabo talaga na mag-exposed ito ng dibdib dahil sagging o medyo lumalaylay na raw ito.
Breast feeding kasi si Elias kaya raw ganun.
Well, well, well…’Yun na!