Advertisers

Advertisers

Pinas babangon muli sa pagkakaisa ng bawat Filipino – Marcos

0 257

Advertisers

Opisyal ng inilunsad ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanyang presidential campaign na isinagawa sa Iglesia ni Cristo-owned Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan, nitong Martes, February 8.

Kasama ni Marcos ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte at ang kanilang 12 senatorial slate.

Mainit na tinanggap ng libo-libong taong dumalo ang buong UniTeam.



Sinuportahan din ng mga lokal na kandidato na nasa ilalim ng partido ni BBM-Sara ang nasabing Proclamation rally kabilang ang tumatakbong Alkalde ng Maynila na si Atty. Alex Lopez at ng kanyang bise alkalde na si Raymond Bagatsing..

Naniniwala si Atty. Lopez sa layunin ni Bongbong Marcos na muling pagkaisahin ang sambayan Filipino, dahil ito nga ang unang hakbang upang maging matagumpay ang pamumuhay ng bawat isa lalo na nasa gitna ng krisis ang bansa dala ng pandemya.

“Kung pag-aaralan natin ang kasaysayan ng Pilipinas ang lahat ng sakuna na naabutan natin nakaraos tayo dahil nagkaisa ang bawat Filipino,” wika ni Marcos.

Sinang-ayunan din ni Lopez ang pahayag ni Marcos na kung ang lahat magkakapit bisig at ihahandog ang kanilang galing sa bawat isa malayo ang mararating ng bawat Filipino.

“Kung kayang magsama ng magkabilang panig tulad ng ginawa namin ni Sara, kaya rin nating pagkaisahin ang sambayan Filipino,” wika ni Marcos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">