Advertisers

Advertisers

Bakit hindi dapat iboto si Yorme?!

0 453

Advertisers

“You can fool all the people some of the time and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.”

SERYOSO tayo ngayon mga katoto. Ang babangitin lamang natin ay facts dahil ‘yan ang sabi ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang proclamation rally nitong Martes, Pebrero 8 sa Kartilya ng Katipunan.

Iniyayabang at iniaangat ang kanyang sarili bilang pinaka maskwalipikado di-umano kandidato sa Panguluhan ngayong halalan 2022.



Okay, let’s talk about facts!

***

UNA, hindi tayo naniniwala sa sensiridad ng taong ito, na ginamit ang panahon ng pandemya upang iangat ang sarili para sa ambisyong maging Pangulo ng bansa.

Ibinaon sa P25 bilyon utang ang Maynila para sabhin mabilis siyang kumilos at marami siyang nagawa.

Bilis-kilos para sa Bilis-ambisyon!



***

PANGALAWA, kuwestyonable ang mga nasa likod na personalidad ni Mayor Isko. Ang kanyang campaign manager na si Lito Banayo ay minsan nang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act. sa Ombudsman noong 2014 dahil sa rice smuggling noong siya ang General Manager ng NFA, ang kanyang secretary to the mayor na si Bernie Ang ay may anak naman na wanted sa pagtangay ng mahigit P1 Bilyon sa mga depositor ng Citibank Binondo branch noong 2012 at may pending warrant sa Manila RTC Branch 55.

Kulang pa ang espasyo ng kolum na ito kung iiisa-isahin natin!

HAUNTED BY GHOST EMPLOYEES

PANGATLO, hanggang ngayon, hindi maipaliwanag ni Mayor Isko ang P720 million ghost employees case na isinampa sa kanya sa Ombudsman noong siya ay Vice Mayor mula noong 2007 hanggang 2016.

Mismo ang dating Mayor Fred Lim ang nakadiskubre sa katiwalian ni Mayor Isko base sa 2012 Audit report ng Commission on Audit sa tanggapan ng OVM.

In short, may resibo!

***

ISA sa nabuko ni Lim ang pangalan na Jonathan Pantaleon Reyes na may address na 2104 Ipil St., Sta. Cruz, Maynila. Sumasahod ito ng P12K monthly sa Office of the Vice Mayor (OVM) mula Enero 2010 to Dec. 2012., gayong patay na ito noon pa Dec. 21, 2008!

Lumabas din sa general payroll list ang listahan ng mahigit 700 researcher at consultant sa tanggapan ng OVM, kundi pineke ang pirma ay kumpirmado mga patay na.

Hindi ba pambubudol ‘yan!

***

SABI sa COA Audit Observation Memorandum (AOM) 2012 report paragraph 2.14 (b) payment of fee/salaries were not made directly to the person named in the payroll.…” (c) the signatures of several personnel in the accomplished personal data sheet (PDS). Contract of Consultancy Services and Accomplished Report differed from the signatures appearing in the payroll.”

Kasong dishonesty, misconduct in public office, fraud against public treasury at iba pa ang inasunto noon kay Isko sa Ombudsman.

Alam mo ba ‘yan Sen. Ralph, Cong. Egay at Deputy Speaker PJ Garcia?

TUTA NG MGA OLIGARKO

PANGHULI, nakakatakot ang mga oligarko nakapalibot kay Mayor Isko na siyang nagfi-finance sa kanyang kandidatura ngayon. Hindi lang laway ang kanyang isinangla dito kundi kinabukasan ng buong bansa.

Isipin na lamang ang ibinuhos na P735.44M gastos sa kanyang political ads pa nitong 2021, ayon sa Nielsen Ads data. Payag ba ang mga negosyante laway lang ang ibalik sa kanila pagkatapos ng halalan?!

Baka sabihin sa’yo ni Razon: Que suertudo eres?

***

PERO may awa ang diyos, hindi niya tayo pababayaan mailuklok ang taong ito sa Malacanang. Sa likod ng maamong mukha, may maitim na balak.

God first, yes! But no Isko first in May 9 election!