Batas ni Helen Tan ukol sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas, Quezon aprubado ng Senado
Advertisers
PATULOY na ipagmamalaki ng mamamayan ng lalawigan ng Quezon ang kanilang kongresista na si Representative Angeline “Helen” Tan dahil aprubado sa Senado ang inakda at ipinaglaban nitong panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center.
Ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang House Bill No. 7952 na inakda nina Quezon Representatives Helen Tan at Wilfrido Mark Enverga.
Kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Quezon si Tan sa Kamara de Representantes.
“Idol” talaga si Helen Tan ng mga taga-Quezon!
Layunin ng panukala ay itayo ang Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas, Quezon.
Ang ospital ay magsisilbing kauna-unahang pagamutan para sa iba’t ibang uri ng sakit sa Timog Katagalugan at isa sa magiging “apex hospital” o “end-referral hospital” sa lalawigan.
Pamamahalaan ito ng Department of Health (DOH) kung saan titiyakin nito ang pagbibigay ng mahusay, epektibo, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga pasyete.
Lubos na ikinatuwa ni Congresswoman Tan ang pagpasa ng panukala na ayon sa kanya ay alinsunod sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Act na siya rin ang mqy akda.
Nagpasalamat si Tan na siyang pinuno ng komite ng kalusugan sa mababang kapulungan ng Kongreso sa mga senador dahil sa kanilang suporta at pagboto sa kanyang panukalang batas, partikular kay Senador Christopher Lawrence “Bong “ Go.
“Ito po ay isang malaking hakbang sa pag-abot ng ating pangarap na kalusugan para sa lahat ng Pilipino”, banggit ni Tan. Aniya, maraming mahihirap na may sakit ang makikinabang sa pagtatayo ng Southern Luzon MSMC.
“Napakalaking tulong kung tuluyan na ngang maisasabatas ang pagtatayo ng ospital dahil hindi na magsisiksikan ang maraming mga pasyente sa Kamaynilaan upang magpagamot at higit na mabibigyan ng kagyat na atensyong medikal ang mga may karamdaman sa Southern Tagalog na siyang itinuturing ngayon na may pinakamataas na bilang ng populasyon sa buong bansa” paliwanag ni Tan.
Ang Southern Tagalog region ay binubuo ng lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Quezon, Rizal, Romblon at Aurora kasama ang 1st class highly urbanized na Lungsod ng Lucena. Makikinabang rin sa nasabing panukala ang mga pasyente sa Bicol at maging ang Metro Manila kung nasaan matatagpuan ang tinatawag na “special hospitals” tulad ng Philippine Heart Center (PHC),National Kidney and Transplant Institute NKTI) at Lung Center of the Philippines (LCP) at iba pang specialty hospitals.
Panalo talaga ang panukalang batas ni Doktora Helen Tan.