Advertisers
Ni JOVI LLOZA
OPEN sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang relasyon.
Kita naman sa kanilang posted pics sa socmed na lovey dovey sila at walang care sa sasabihin ng iba.
At dahil nga sa pagiging totoo sa isa’t isa eto naman ang naging daan para lumawak ang followers ni Dominic.
Umabot na kasi sa 2M ang followers ni Dominic sa socmed.
Siyempre sa aminin man niya o hindi ay nakatulong si Bea para dumami ang followers niya.
At naungusan pa nga niya ang ex-bf Bea na si Gerald Anderson.
Nasa more than 1M lang daw ang followers ng bf ni Julia Barretto na busy sa kanyang accessories business at ‘di na raw nadagdagan ang nag-follow kay Gerald.
Mas lalo pa ngang tataas ang followers ni Dominic dahil may endorsement na ang magdyowa.
Kahit sina Bea at Gerald pa ay never nagkaroon ng project together ang mag-ex.
Kaya natalo na raw talaga ni Dominic si Gerald sa pataasan ng followers.
***
MASAKIT man sa parte ni Claudine Barretto na iwan ang showbiz pero kailangan niyang gawin.
Ginawang magbabu sa showbiz si Claudine para sa kapakanan ng kanyang mga anak.
Need anya niyang matutukan ang mga ito sa kanilang paglaki.
At ayaw nito na isipin ng kanyang mga anak na wala na silang magulang.
Kaya napakasakit kay Claudine na iwanan ang kanyang first love, ang showbiz para kina Sabina, Santino at dalawa pa nitong adopted na sina Quia at Noah.
Kaya sa latest film nito ay isinama niya sa lock in shooting ang kanyang mga anak dahil ‘di raw ito sanay na mawalay sa mga anak niya.
Natuwa naman ang netizens sa pagiging mabuting ina ni Claudine sa kanyang mga anak.
Kahit pa may bf na ang panganay na anak na si Sabina na aprub kay Claudine ay inaalala pa rin nito ang mga anak kapag di nito nakikita.
Well, well, well…’Yun na!