Advertisers
INILUNSAD ng international model, producer, businessman at aktor na si Marc Cubales ang kanyang media at film production company na MC Production House.
Kasabay nito ang cast reveal ng kanyang unang pelikula na ipu-produce na “Finding Daddy Blake.”
“Marami tayong mga artista, baguhan man o veteran na world-class ang talent. I wanna help them. Time naman nila to shine. Behind the camera na lang ako,” pahayag ni Cubales.
Ang multi-awarded director na si Jay Altarejos ang hahawak ng proyekto, siya rin ang sumulat ng screenplay.
“BL film ito na may kakaibang twist. Hanggang dyan lang muna ang pwede kong ikuwento para walang spoiler,” buong ningning na pambungad ni Direk Jay.
“Base ito sa true events na naganap sa simula ng pandemya. Dalawang teenager, sina Elijah at ang batang social media personality na si Kokoy, ay nagkataong nagkatagpo upang hanapin at maghiganti sa nambiktima at nang-abuso sa kanila na si Daddy Blake. Sa pag-usad ng kanilang plano para magapi si Daddy Blake, madidiskubre nila ang unti-unting pag-usbong ng kanilang pagtitinginan sa isa’t isa.
Pangungunahan ng critically acclaimed actress na si Rita Avila ang Finding Daddy Blake kasama ang 2021 FAMAS, Gawad Tanglaw at Gawad URIAN Best Supporting Actress awardee na si Dexter Doria, 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Best Supporting Actor awardee Gio Alvarez, FACINE International Film Festival Best Actor awardee Oliver Aquino, Riverside International Film Festival (California, USA) Best Actor awardee Carlos Dala, ang theater actor na si Jonathan Ivan Rivera at marami pang baguhang talents.
Abangan ang Finding Daddy Blake sa iba’t ibang international film festivals, lokal na sinehan at iba pang global streaming platforms. Hatid ito ng MC Production House sa pakikipagtulungan ng 2076 Kolektib. (BKC)