Advertisers

Advertisers

Kim naiyak nang kumanta para sa namayapang kaibigan

0 180

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HINDI napigilan ni Kim Domingo na maiyak nang awitin ang ginawa niyang kanta para sa namayapang kaibigan noong 2020.

Sa kanyang Instagram video, makikita ang Kapuso actress na nagpapahid ng luha matapos na ipasilip ang tila pag-practice nila ng kanta kasama ang ilang kaibigan.



Iyon din umano ang unang pagkakataon na inawit niya ang kantang ginawa niya para sa kaibigang si Angelo Fango.

“Iba pala kapag kinakanta mo na siya nang buo,” sabi ni Kim sa video. “Feeling ko kapag pinerform ko siya nang live, ganun din maiiyak siguro ako.”

Sa caption naman ng video sinabi ni Kim na, “It really feels different when you do or sing something that comes straight from your heart.”

“To the person who served as my inspiration to write this song. I would like to say thank you at sana nakangiti ka d’yan. Para sa ‘yo ‘to. [I hope you are smiling over there. This is for you.] Love you,” dagdag niya.

Pumanaw si Angelo matapos ang pakikipaglaban sa karamdaman sa baga.



Una rito, sinabi ni Kim na isa sa mga pangarap niya ay magawa ang sariling kanta.

***

VERY happy daw ang Mano Po Legacy: The Family Fortune stars na sina David Licauco, Rob Gomez at David Chua sa paglipat ng kanilang show sa mas maagang timeslot.

Simula kasi nung February 7, 8:50 pm na mapapanood ang serye sa GMA Telebabad. Bukod dito, may same day replay pa ito sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes, 11:00 pm.

“Nakita ko sa mga tweets na sana mas maaga kasi maganda talaga yung show namin. So now na it’s 40 minutes earlier, one timeslot earlier na, nakakatuwa,” pahayag ni David.

“Mas marami nang makakanood, on GTV also. One timeslot earlier kasi madaming nakakatulog na po daw,” dagdag naman ni Rob.

Pinupusuan naman online ang mga patok na TikTok videos ng cast na kinukunan nila tuwing break nila sa set.

Para kay Rob, nakakadagdag daw ito ng enjoyment niya sa pagtatrabaho.

“Sobrang saya po talaga. Hindi ko siya na experience before, it’s the first time. Sobrang ang gaan lang ‘pag dumadating ka. Ang saya pagdating, pagpasok ng set, masaya. Ang kulit ng lahat, lalo na po ‘pag late na,” kuwento ng aktor.

“Hindi talaga ako ma-TikTok, pero this one time ewan ko, for whatever reason, ginanahan ako,” bahagi naman ni David.

Si David Chua na gumaganap bilang kontrabida sa show, nahiya pang makisali sa TikTok videos ng cast noon.

“Ako, ayoko pa nga sumama sa kanila noong una. Ayokong mag-TikTok, nakakahiya. Pero sabi ko sige, in character pa rin. Gawin natin, in character pa rin. Okay, game. Kinabukasan, sabi ni Kate (Yalung), ‘David alam mo nag-trending tayo sa TikTok,” paggunita ng actor-director.

Patuloy na tumutok sa pagpapatuloy ng kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.

Huwag din palampasin ang same-day replay nito sa GTV, mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes, 11:00 pm.

***

BIANCA Umali has launched an exciting contest on her YouTube channel.

According to Bianca, the contest is all about finding talented artists to create artwork for her YouTube channel.

She said, “I am personally asking for your artwork to be my YouTube channel art, on my YouTube channel, simply B.”

Bianca disclosed that she wants the world to see the talent of her supporters.

“I have been receiving lots of fan art from all of you which is why I thought of putting this contest up to show the world how talented my ever-so-supporting fans are.”

The Kapuso star said that the contest is open to everyone and revealed its mechanics.

  1. This contest is open to everyone.
  2. All entries digital, hand-drawn, or any art form must follow the dimensions of a YouTube channel art.
  3. Three, email us at admin@trandscendstudios.asia with your name, account name, words about your artwork, and of course, your artwork.

Bianca revealed that she is excited to see her fans’ art and will announce the top ten entries soon.

She said, “I am so excited to see all of your entries. I will be choosing my top ten favorites and I will be announcing the winner on my next video.

The deadline for submission of Bianca’s Channel Art Contest is February 9.