Advertisers

Advertisers

Safe and effective pero dalagita patay sa bakuna!

0 1,803

Advertisers

TALIWAS sa sinasabi ni DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) SECRETARY FRANCISCO DUQUE III na SAFE AND EFFECTIVE at walang dumanas ng adverse effect sa mga batang nabakunahan.., ay isang 14-anyos na dalagita nitong nakaraang December, 2021 sa TARLAC PROVINCE ang namatay dahil sa bakuna.

Ang nasawi na FULLY VACCINATED ng MODERNA ay nagngangalang GABRIELA DUQUE, 14 na residente ng BOBON 2nd CAMILING, TARLAC.

Ang biktima ay binakunahan noong November 11 at ang 2nd dose ay noong DECEMBER 9. Matapos ang 2nd dose ay dumanas na ito ng lagnat, sumakit ang ulo at hindi makahinga.., na 3 beses itong nadala sa ospital, subalit ang ika-3 beses na naisugod sa pagamutan noong December 15 ay dead on arrival na ito.



Ang dalagita ay nag-aalala na kung hindi siya magpabakuna ay baka hindi siya maka-enrol sa pag-aaral lalo na sa face to face class, kaya nagpabakuna ito kahit pa malusog at malakas ang pangangatawan.., subalit hindi na matutupad pa ang pangarap nito dahil makalipas ang 6 na araw mula sa kaniyang 2nd dose ay nalagutan na ito ng buhay.

Nito lamang Martes (February 8), sa bayan ng TAYTAY, RIZAL ay inilibing ang 24-anyos na dalagang binakunahan ng J&J noong February 2 at kinabukasan ay namatay na ito.

Ang nasawi ay nagngangalang JEWEL ZAPANTA na requirement sa pinagtatrabahuan ang pagpapabakuna. Nagpapa-dialysis itong si JEWEL kaya komunsulta sa doktor at sinertipikahan naman na maaari siyang magpabakuna.

Isa namang nanay sa ANTIPOLO CITY na nagngangalang MILDRED NACARIO BOGAMBAL ang nagpa-2nd dose noong November 17, 2021 ay hindi na ito nakauwi ng buhay at sa halip ay naka-kabaong na nang iuwi sa kanilang bahay.

Mula naman sa CARCAR, CEBU CITY na isang MATH TEACHER, RICHARD CAMUS, 31 ay binakunahan ng JANSSEN/J&J noong August 19, 2021 ay namatay noong November 28, 2021sanhi ng Massive Gastrointestinal
Bleeding & Anemia leads to Acute Circulatory Failure.



Mula naman sa DAVAO CITY, ang FULLY VACCINATED PFIZER na si MICHAEL ANGELI PECISION ay namatay sa Multiple Organ Damaged noong December 16, 2021. Unang bakuna nito noong June 17, 2021 at ang 2nd dose ay noong July 8, 2021.

Namatay naman sa atake sa puso ang FULLY VACCINATED PFIZER na si dating BRGY. KAGAWAD ROSALIE ASEOCHE ng PAETE, LAGUNA. Unang dose nito noong October 14, 2021 at 2nd dose noong November 4, 2021 na namatay nitong January 25, 2022.

Maraming iba pa na mga FULLY VACCINATED pero napaaga ang kanilang mga kamatayan na hindi ibinabalita ng MAINSTREAM MEDIA at ng DOH bilang bahagi dapat sa recording ng CLINICAL TRIALS patungkol sa mga ginagamit na covid vaccines.

Mga ka-ARYA, ang kampanya ng DOH kung may comorbidities o may taglay na mga sakit ay mas higit daw kailangang magpabakuna.., hindi kaya isang panlilinlang ito upang mapilitang magpabakuna ang mga may taglay na sakit.., na kung may mamatay ay idadahilan na ang sanhi ay ang taglay na sakit at hindi ang VACCINE EFFECT?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.