Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NASA Amerika pa si Diego Loyzaga nang magsalita at ipagtapat ng kanyang dating partner na si Barbie Imperial na hiwalay na nga sila ni noong December pa.
Noong unang panayam ay sinabi ni Diego na walang passport at visa si Barbie kaya ‘di nakasama sa kanyang pagpunta sa Amerika. Ngayon na inamin na ni Barbie na break na sila, nagsalita na rin si Diego kahit pa pinilit niyang huwag na lang umimik dahil sa may movie siyang ilalabas this Feb. 11 streaming at Vivamax, ang “The Wife” kasama sina Louise delos Reyes at sex nymphet Cara Gonzales, at may temang infidelity ay natanong si Diego sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Barbie at kung may third party involved nga ba.
“It might start with miscommunication. Kapag hindi kayo nagkakaintindihan. Tapos the solution is just really communication. c
“Communication is key if the both of you can talk to each other in a way nagkakaintindihan and buo ’yong pag sinabi mong, ‘Okey, I understand what I need to fix, I understand what I need to stop doing or start doing.’ Eh, di maayos,” say ni Diego.
Isa ba ang pasya nila ni Barbie pagdating sa kanilang hiwalayan?
“It’s a mutual decision. It’s not just one person to decide,” say pa rin ni Diego.
***
PARA kay Sanya Lopez ay hindi pala biro ang maging isang First Lady ng bansa lalo na pag nagsimula ka bilang isang kasambahay.
Inamin ni Sanya na mas nahirapan siya sa kanyang bagong role dahil sa tamang pagkilos at pananalita ng isang First Lady kumpara sa medyo pasaway niyang pag-uugali at pagsasalita bilang isang yaya.
Say pa nga ni Sanya, medyo nakaka-relate siya sa role na yaya dahil sa ilan sa ugali at pananalita ng isang yaya sa kanyang role ay nakalakihan niya.
At para mas maging kapani-paniwalang isang FL na ang dating yaya ay bago simulan ang taping ay nag-training muna si Sanya ng galaw at pananalita sa tulong ng mga political adviser na kinuha ng produkyon ng teleserye para magturo sa set ng proper decorum ng isang First Lady, at maging makatotohanan ang pagganap maging ng iba pang mga karakter.
“Mas challenging po talaga ang maging Frst Ldy, yung ‘First Yaya’ talaga ay medyo malapit lapit pa kay Sanya ung karakter unlike now, medyo inaaral aral ko pa,” say ni Sanya.
Isa pa rin sa labis na kinasisiya ni Sanya ay ang pagsasama muli nila ng kanyang kauna-unahang loveteam sa teleserye, si Rocco Nacino. Say ng Kapuso actress, matagal-tagal na rin naman daw silang hindi nagkakasama ng dating kalabtim kaya excited si Sanya na muling makasama si Rocco.