Advertisers

Advertisers

Arjo Atayde nag-donate ng 49 laptops

0 290

Advertisers

TULOY TULOY ang serbisyo publiko ng internationally acclaimed actor na si Arjo Atayde na tumatakbo bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Quezon City.

Nag-donate ang actor ng 49 laptops para sa lahat ng mga daycare center ng District 1 ng Quezon City na maaaring magamit ng mga guro at mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Iginawad kamakailan lamang ni Atayde ang mga laptop units sa Pedrista Event ng Barangay Damayan sa Basilica Minore de San Pedro Bautista kung saan kasama niya sina Councilor TJ Calalay, Joseph Juico, Councilor Bernard Herrera at Charm Ferrer – na lahat ay tumatakbo naman bilang Konsehal ng Distrito. Nakasama din nila si Mayor Joy Belmonte via Zoom.

“Hindi dapat matigil ang pag-aaral ng mga kabataan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Kailangan nila ng access sa technology upang lalong mapag-ibayo ang mga lessons na kanilang pinag-aaralan at umaasa ako na mapag-yayaman ang mga laptops sa kanilang edukasyon at pag-aaral,” saad ni Atayde.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">