Advertisers

Advertisers

Bumabaha pondo ng kurakot at iligalista!

0 303

Advertisers

WALANG patumanggang ginagastos na ang salaping galing sa kaban ng bayan na nakurakot ng ilang kilalalang mandarambong na pamilya. Ang kwartang ito din ang lalong maglulublob sa kapahamakan at paghihirap ng ating bansa kapag nauto nila ang mga botante.

Tiyak solidong maibebenta na ang ating mga teritoryo sa West Phililippine Sea (WPS) kapag ang mga botante ay nalinlang sa mga maneobra ng mga propagandista ng mga naturang pulitiko. Kaya huwag sanang kara-karakang kakagatin ang mga gimik ng ilang pulitiko tulad ng kunyari ay bantang pagpapalikida. Pakana lamang ito ng mga tuso at mapanlinlang na propagandista na siyang nag-isip ng senaryo para maisali sa isyu ang mga awtoridad. Sa gayon nga naman ay patuloy na mapag-usapan at kagatin ng publiko ang kunyari ay isyu ng ilang mga tuta nila at bayarang media. Talagang malaki ang nagagawa ng bilyones lalo na at hindi naman pinaghirapan na kitain at nakurakot lamang sa kaban ni Juan simula pa noon hanggang ngayon. Ang potensyal na biktima po dito na linlangin ay ang mga nasa liblib na lugar at mga mamamayan na nasa mababang antas ng lipunan. Hindi po nabebenta ang ganitong mga pautot sa sektor ng mga edukado at propesyonal. Mensahe ni JUAN PO.

***



NAPAG-USAPAN na din lamang ang pagbaha ng salapi ng maraming pulitiko na gamit na political campaign funds na nagmumula sa iligal, tulad ng kurakot at nakaw sa kaban ng bayan, kaya nais nating bigyang babala ang mga taga-lalawigan ng Bulacan na posibleng masilaw sa milyones na salaping ginagastos ng kilalang ilegalista sa naturang probinsya.

Kumpirmado ng ating mga KASIKRETA na kontodo ang pagbubuhos ng milyones na kwarta ng magkapatid na sina alias Goto at alias Bogs at ng isang alias Cholo.

Ang tatlo ay sangkot sa malakihang operasyon ng pagpapaihi ng mga produktong petrolyo na nagmumula sa Bataan at ibebenta sa kanilang mga suki sa Metro-Manila at iba pang panig ng bansa.

Batay sa ating mga police insider sa Bulacan ang PAIHIAN, BURIKIAN AT PASINGAWAN nitong sina BOGS ay nasa National Highway ng Barangay Alangan , Limay, Bataan samantalang ang PASINGAWAN naman nitong si GOTO ay nasa Florida Blanca, Pampanga.

Hindi lamang sa pagnanakaw at pagpapasingaw ng petroleum product ang tatlo kundi sangkot maging sa pagtutulak ng bultuhang kantidad ng shabu at iba pang uri ng droga. Mainit na ang pangalan ni alias Goto bilang high value target ng kampanya kontra droga ng Pamahalaang Duterte.



Baka nakalimutan na ng mga taga-Bulacan na minsan na ring tinangkang itumba si alias Goto sa isang sabungan sa Bulacan at ang hinalang motibo ay ang involvement nito sa kalakalan ng droga?

Bise – gobernador ang tinutumbok ni alias Goto, si alias Bogs naman ay naghahangad na muling mahalal bilang alkalde ng isang bayan sa Bulacan at kapag nahalal na ang dalawa ay target namang paupuin ng mga ito bilang Pangulo ng Liga ng Konsehales si Cholo para maging isang bokal ng lalawigan.

Kaya liban sa itinuturing silang tatlo na “economic saboteurs” ay mahigpit na kaaway ng lipunan pagkat sangkot din sa malawakang kalakalan ng droga.

Bakit nga kanyo kung tagurian ay mga “economic saboteurs sina alias Goto, Bogs at Cholo?

Para sa mga di pa nakakaalam halos ilang dekada na ding di natitinag ng mga kapulisan at iba pang mga awtoridad ang malawak na nakawan ng petroleum product at pasingawan sa Bataan, Pampanga at Bulacan.

Iisa ang dahilan- ito ay ang malakihang intelhencia na ipinamumudmod ng tatlo sa ilang mataas na oipisyales ng PNP hierarchy.

Ang kuwartang kinikita ng tatlo sa mga burikian ay siya din namang ginagamit na pampadulas sa mga barangay chairman, iba pang barangay official at kanilang mga potensyal na political leader.

Kaya hindi tayo magtataka na baka dumating ang panahon na magising na lamang si Bulacan Governor at dating actor Daniel Fernandor na naagawan na pala siya ng trono ng mga iligalistang sina Goto, Bogs at Cholo. Kawawa naman kayong mga taga-Bulacan.

Nagtataka ang mga taga- Bataan, Pampanga at Bulacan kung bakit walang aksyon sa mga kailigalang ito nina Bogs, Goto at Cholo si Region 3 PNP Director Mathew P. Baccay at ang kanyang mga Provincial Director sa mga nabanggit na lalawigan?

Busisiin natin ang modus operandi ng tatlong iligalistang ito para di naman matikbalang ang mga botante sa Bulacan. Abangan sa mga susunod nating pitak…

***

Para sa komento:CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.