Advertisers
HIGIT na libong empleyado ng Manila Health Department (MHD) ang nagsimulang sumailalim sa Annual Physical Examination (APE) upang matiyak na ang mga health workers ay nasa perpektong kundisyon ng kanilang kalusugan sa pagganap nila ng kanilang responsibilidad sa lungsod.
Ito ang inanunsyo ni Vice Mayor Honey Lacuna, na nagsabing ang hakbang ay kaugnay nang kanilang ginagawa ni Mayor Isko Moreno simula pa noong Day 1 ng kanilang administrasyon, kung saan pina-prioritize ang health programs, hindi lamang ng mga residente ng lungsod kundi maging ng mga empleyado.
Ayon kay Lacuna ang MHD chief na si Dr. Arnold Pangan ay nag- issue na ng memorandum at inaatasan ang lahat MHD employees na sumailalim sa APE, at sinabi nito na ang malusog na pangangatawan ng mga city employees ay may mahalagang papel sa epektibo at maayos na paghahatid ng basic health services sa lungsod.
“This is the fundamental basis emphasized on the mandate of Administrative Order No. 402 S. 1998 issued by Malacanang and DOLE Department Order No. 154 Series of 2016 on Occupational Safety and Health Standards of the Philippines in the establishment of health programs for government personnel,” sabi ni Dr. Pangan, sa kanyang memo na may petsang February 4, 2022.
Sinabi pa ng bise alkalde na base sa schedule na itinakda ni Pangan, sa pamamagitan ng pinagsama-samang tugon Division of City Government Employees Clinic (CGEC) & Specialized Services sa pakikipagtulungan ng Division of Public Health Laboratory, Division of Non-Communicable Diseases at Office of TB Control and Prevention, ang Annual Physical Examination (APE) ng MHD employees ay gagawin sa mga sumusunod na ill be schedules: For Central Office-based employees, Risk Screening and Assessment ay gagawin mula February 7 hanggang 11, 2022 sa CGEC office; Blood Chemistry, CBC at Urinalysis ay gagawin mula February 8 hanggang 10, 2022 (7:30 a.m. to 9:00 a.m.), sa inner court. Chest X-ray/GeneXpert ay gagawin sa February 14, 2022, sa mobile clinic sa Manila City Hall.
Para sa Field Offices Employees ang screening ay gagawin sa kanilang mga district health centers of Health District Offices 1 hanggang 6; para sa Field Offices Employees ang Chest X-ray/GeneXpert ay gagawin din sa kanilang Health Districts.
Ayon kay Lacuna, ang APE ay mandatory sa lahat ng MHD personnel. (ANDI GARCIA)