Advertisers

Advertisers

Isko umarya sa Tangere Survey

0 1,492

Advertisers

UMAARYA na ang dating napag-iiwanan ng mga katunggali sa PRESIDENTIAL CANDIDACY na base sa pinakahuling survey ng award-winning technology & innovation-driven market research & opinion poll company na TANGERE ay pumapangalawa na ngayon si MANILA MAYOR FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO sa ninanais na mapapuwesto sa MALACAÑANG.

Sa pahayag ni TANGERE FOUNDER & CEO MARTIN PEÑAFLOR, ang survey result noong FEebruary 4 at 5 ay nananatiling si dating SENATOR FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ang napipisil sa PRESIDENTIAL CANDIDATE May 2022 election. , gayunman ang dating 58% survey result noong January 18, na dating 60% noong January 2 survey result ay naging 54% na lamang ngayon.

Ang dating pumapangalawa sa PRESIDENTIAL BET na si VICE PRESIDENT LENI ROBREDO ay dumausdos naman sa ika-3 ranking.., na, inungusan na ito ni ISKO.MORENO dahil ito na ang nasa ika-2 ranking na papaangat ang survey result nito mula 16.29% noong January 3 ay naging 16.85% noong January 18 at ngayon ay 22.17%.



Sa mga nakapanood ng 1on 1 PRESIDENTIAL CANDIDATE INTERVIEWS ni VETERAN BROADCASTER BOY ABUNDA ay sina dating SEN. MARCOS at ISKO MORENO ang nasa 1st at 2nd rankings na may 43% at 39% bilang best performing candidates.

“It is also interesting to note that , though half of the respondents said their
current presidential candidate preference will unlikely change and that
only 1 in 5 Filipinos believe that former Senator Marcos will be disqualified
in his presidential bid, a clear majority at 54% of the respondents will be
voting for Mayor Isko Moreno instead, should a BBM disqualification
scenario actually happen.”, pagpapahayag ni Penaflor.

Ang TANGERE ay isang AWARD-WINNING OPINION POLL COMPANY na lalo pang lumalaganap ang mga tagatangkilik at mahigit sa 600,000 ngayon ang nagtitiwala sa mga resultang nagagampanan ng mga ito.

***

‘DI PAGPAPABAKUNA NI ACOSTA ALAM NI DUTERTE



Nitong nakalipas na taon ay batid na ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang hindi pagpapabakuna ni PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) CHIEF PERSIDA ACOSTA dahil mismong ang huli ay nagpaalam ito sa una.

Sa ulat ng “24 ORAS” nitong nakaraang Miyerkules ay inihayag ni ACOSTA na humingi siya ng permiso noong Mayo ng nakaraang taon na hindi muna papabakuna ito at sinang-ayunan naman ni PRES. DUTERTE.

Ang pahayag ni ACOSTA ay bilang reaksiyon sa WEEKLY TALK TO THE PEOPLE ni PRES. DUTERTE hinggil sa inilulunsad na bakunahan sa mga bata laban sa COVID-19.

“For those who are against the vaccination of our children, including PAO chief Persida Acosta, kung ayaw mong magpabakuna, ikaw na lang,” saad ni PRES. DUTERTE sa kaniyang WEEKLY PROGRAM.

Naniniwala si ACOSTA na hindi siya kinagalitan ni PRES. DUTERTE dahil binasa lamang umano nito ang suhestiyon ng 2 CABINET MEMBERS.

Kamakailan kasi mga ka-ARYA, may 2 magulang na inasistehan ng PAO ang naghain ng petsiyon sa QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT na humihiling na pigilan ang DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) sa pagbabakuna ng mga batang edad 5 hanggang 11 dahil CLINICAL TRIALS o EXPERIMENTATION pa lamang ang mga COVID VACCINES. Kaya umeksena na naman ang ilang mga personalidad na mapabagsak o mawala sa serbisyo si ACOSTA.

Sa lahat ng interbyu kay DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III ay lagi nitong sinasabi na SAFE AT EFFECTIVE ang bakuna at walang mga batang dumanas ng adverse effect.., e gayong isang GABRIELA DUQUE, 14 na residente ng BOBON 2nd CAMILING, TARLAC na FULLY VACCINATED ng MODERNA ay nasawi makalipas ang ika-6 na araw noong 2nd dose niya ng December 9… December 15, 2021 ay dead on arrival na ito nang isugod sa pagamutan.

Maliban diyan ay marami pang nadisgrasya sa pagpapabakuna tulad ng isang nanay sa ANTIPOLO CITY na nagngangalang MILDRED NACARIO BOGAMBAL. , ang nagpa-2nd dose noong November 17, 2021 ay naka-kabaong na nang iuwi sa kanilang bahay.., na dapat ang gobyerno ay inaalam at tinutulungan ang mga dumanas ng epekto sa bakuna at hindi basta turok lamang ay wala na silang pakialam!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.