Advertisers
WINALIS ng Diamond Food ang Nakhon Ratchasima, 25-17,25-19,25-15, para tumibay ang kapit sa solo second place sa Volleybll Thailand League Miyerkules ng gabi sa Nimibutr Stadium sa Bankok.
Tumipa sina Fernanda Torme at Thanacha Sooksod ng tig-14 puntos, upang dominahin ang Nakhon Ratchasima na pinamumunuan ni Filipina imports Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat sa laban na nagtagal ng isang oras at 24 minuto.
Brazilian import Torme kumana ng nine attacks,four blocks at ace para pamunuan ang opensa ng Diamond Food. Sooksod umiskor ng seven spikes,four aces at three blocks, habang si Kaewkalay at Sasipaphon Janthawisut nagdagdag ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nalasap ng Nakhon Ratchasima ang kanilang ikalawang kabiguan sa tatlong laban sa second round, para sumadsad sa fourth place 5-5 card.
Manabat at Paat ay nalimitahan sa pinagsamang nine points – malayo sa kanilang pinagsamang 36-point effort sa kanilang three-set victory kontra Nakomnont nakaraang linggo.
Pinamunuan ni Patcharaporn Sittisad ang opensa ng Nakhon sa kinamadang 10 points, habang si Manabat umiskor ng seven points.
Susubukan ng Nakhon Ratchasima na makabawi laban sa N0.6 Proflex RSU (2-8) sa Sabado.