Advertisers

Advertisers

Proclamation rally ng presidentiables!

0 181

Advertisers

NASAKSIHAN natin ang proclamation rallies ng mga presidentiable nitong Martes, Pebrero 8.

Pinaka-organisado ang tandem na Bongbong Marcos -Sara Duterte-Carpio. Ginanap ang kanilang proclamation sa dambuhalang Philippine Arena na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bulacan.

Ang kanilang “supporters” ay hinakot ng mga bus, van at mga jeep. Isinakay din sila pabalik sa kanilang pinanggalingan pagkatapos ng rally. Kumalat sa social media na sila’y binigyan ng tig-P200, P300 hanggang P500 at libreng foods para lang dumalo.



Tama lang naman hakutin ang kanilang supporters dahil hindi ka makakapunta sa Philippine Arena kung walang sasakyan, malayo ito sa komunidad eh.

Kung binigyan man ng salapi ang BBM-Sara supporters, okey lang naman siguro, pamasahe lang nila sa pag-uwi sa kanila. Pero ito’y bawal. Vote buying yun. Hehehe…

Ang kay VP Leni naman, sabi volunteers ang mga nagsidalo, napuno ang lugar, hindi mahulugan ng karayom.

Sabay-sabay din na nagmartsa sa kalye sa halos lahat ng rehiyon sa buong bansa ang Leni-Kiko supporters. Nagkulay pink nga ang Facebook sa post ng kanilang supporters sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kung ang mga tao na ito ay hindi na magbago hanggang Mayo 9, malamang si Leni na ang sunod na Presidente ng Pilipinas, sa pagbaba ni Pangulong Rody Duterte sa Hunyo 30.



Ang sa tiket naman nina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willy Ong ay ginanap sa Andres Bonifacio Shrine sa may Manila City Hall. Napuno rin ang lugar ng mga nakauniporme ng blue, ang political color ni Isko. Malupet din ang kanilang presentasyon. May laban talaga!

Sa kasalukuyan, si Isko, pinaka-bata sa presidentiables, ay pumapangatlo sa mga survey sa likod nina Marcos at Robredo.

Samantalang boring ang proclamation rally ng Lacson-Sotto tandem sa Imus, Cavite. Masyadong seryoso. Walang artista para mag-entertain sa supporters. Pero preparado ang grupo para sa masinsinang kampanya sa loob ng 90 araw.

Ang Manny Pacquiao-Lito Atienza naman ay ginanap sa General Santos City, balwarte ng Pambansang Kamao. Dinumog rin ito ng kanilang followers. Busog ang lahat. You know!!!

Naniniwala si Pacquiao na ang kanyang solidong boto ay magmumula sa Visayas at Mindanao dahil siya lang ang presidentiable na Bisaya. Saba nga! Hehehe…

“Basta Bisaya, para rin yan sa Bisaya,” sabi ng nag-iisang 8-time world boxing champion.

Samantalang ang tandem nina Leody de Guzman at Walden Bello, puros aktibista wala nang iba ang dumalo sa kanilang proclamation rally.

“Dehadong dehado pero lalaban,” sabi ni Ka Leody na umaasa ng malaking boto mula sa hanay ng mga manggagawa.

Ang ibang presidentiables, wala tayong nabasa kung anong activities ang ginawa nila sa Day 1 ng kampanya para sa nasyunal.

Sa Marso 25 naman magsisimula ang kampanya para sa lokal – kongresista, gobernador, bise gobernador, board members, mayor at mga konsehal. 45 days ang kanilang kampanya.

Mahigpit na naka-monitor ang Comelec sa kampanya ng mga kandidato. Ang susuway sa guidelines, maaring ma-disqualify. Goodluck, candidates!