Advertisers

Advertisers

2 Pekeng pulis huli sa panghoholdap

0 307

Advertisers

Arestado ang dalawang pulis na nagpanggap na miyembro ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, Pebrero 10 sa Pasay City.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Eduardo Bernal, 34; at Diokno Abuan, 36.

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga pulis, nagsumbong ang isang biktima ng pagnanakaw na tinukoy na si Teodolo Bacarro.



Nang masalubong naman ng mga parak, nagpakilala itong kasamahan at nagsabi pa ng ‘tropa rin’ ngunit bigong nakapaglabas ng identification cards (ID) bilang patunay.

Narekober sa mga naaresto ang dalawang posas,.22 caliber revolver na may limang live ammunition; at black replica pistol.

Kasalukuyan namang nakapiit ang dalawa sa Pasay City police custodial facility.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong ‘usurpation of authority’ at paglabag sa RA 10591 ‘in relation to the Omnibus Election Code.’

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">