Advertisers

Advertisers

Angeline ikinahihiya ang ama ng baby kaya itinatago sa publiko?

0 474

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang Instagram account, masayang inihayag ni Angeline Quinto  ang gender ng kanyang baby.

Five months na kasi ang ipinagbubuntis ng singer-actress at marami ang sumasang-ayon na binabagayan ng kanyang “aura” ang kanyang pagbubuntis.



“ITS A BOY!!! Sa wakas mai- sshare ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby. Maraming salamat ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender reveal party niyo sa akin! Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat Panginoon sa isang napakagandang blessing na ibinigay niyo sa akin!,” mensahe ni Angge.

Umani naman ng maraming likes ang naturang post at inulan ang singer-actress ng mga pagbati sa mga kapwa celebrity tulad nina Francine Diaz, Jessa Zaragoza, Iza Calzado, Maymay Entrata, Geneva Cruz, Ice Seguerra at marami pang iba.

Viral din ang ibinahaging snapshots ni Erik Santos sa kanyang Instagram account na nakadikit ang tenga nito sa sinapupunan ni Angeline habang pinakikinggan ang pintig ng baby nito.

Hirit tuloy ng ilang netizens, sana raw si Erik na lang ang ama ng ipinagbubuntis ni Angeline.

Dati nang na-link romantically ang dalawa pero nilinaw ni Angeline na never silang nagkaroon ng romansa ni Erik other than being the best of friends.



Speaking of the father of Angeline’s baby, iniintriga naman ng kibitzers na ikinahihiya raw ng singer-actress ang ama ng kanyang baby kaya hindi ito maipakilala sa publiko.

May mga mahadera namang nagsasabing hindi raw kasing stable ng aktres ang boyfriend na mas bata sa kanya kaya wala itong mega reveal sa dyowa.