Advertisers
Ni BETH GELENA
KINABOG ni Neri Naig ang ibang celebrity mom.
Aba, nitong kaarawan ng husband niyang si Chito Miranda, isang yate lang naman ang iniregalo niya kay Chito Miranda na bokalista ng Parokya ni Edgar.
“Happpppy birthday baby ko.. surprisssse,” pagbati ni Neri kay Chito.
Na-surprise ang singer nang ipost ni Neri ang birthday gift para sa mister.
Sey Neri sa kanyang Instagram.
“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speedboat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo.”
“Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda ring mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!” dagdag pa ni Neri.
Ayon sa entrepreneur-actress, katas ng kanyang business ang ipinambili niya sa yate.
Ang isa sa mga business ng mag-asawa ay ang condo rental sa may beach.
Sabi pa ng dating aktres, “Wala pa kaming jet ski, pero balak ko na ring pag-ipunan. Next time muna, sagad na bulsa ko.”
***
IVANA NAGBIGAY NG WARNING SA SCAMMERS
NAGBIGAY ng warning si Ivana Alawi sa scammers na gumagamit ng kanyang beauty brand at humihingi ng pera.
Binigyan din niya ng babala ang publiko sa mga nanghihingi ng money under her beauty brand’s name, Ivana Skin, which is yet to be launched.
Sa Instagram story ng actress-vlogger ay may naka-post na, “The Ivana Skin Team will never [direct-message] you personally outside our official social accounts for distributorship downpayment [or] reservations.”
Sinabi rin ni Ivana na ang kanyang beauty brand ay hindi pa open sa resellers dahil hindi pa officially launched ang produkto.
“Please ‘wag magpapaloko sa mga humihingi ng (don’t be fooled by those asking for) any amount of payment,” Alawi said. “We will be open for distributors and resellers soon. More details will be given on our launch,” sey pa ni Ivana.
***
MAY patutsada si Carla Abellana sa kanyang socmed para sa pagko-komento ng netizens.
Aniya, “Be kind.”
“When we comment on someone — be it on their dreams, on their lifestyle or on their appearance, we should understand that no matter how insignificant our opinion should be for someone else who is trying people do get affected. Little things are not always little. Our little comments or jokes might leave a huge impact on someone’s mental and emotional well-being. If we can’t encourage someone, it’s better to stay quiet rather than demotivating them.”
Sey naman ng mga netizens: “Nag eenjoy siya…check niyo sa youtube niya ni-like nya yung comment na “pararamihin pa ang subs bago sagutin ang issue.”
“why not kung kayang gatasan ang issue, if I were her sasamantalahin ko na din ang pagkakataon”
“Nah. I saw that but think she was being sarcastic. Kung nasundan mo career ni Carla, sarcastic talaga sya madalas kaya know it all at mayabang tingin sa kanya”
Reaksyon naman ng isang netizen, “Magsalita ka na kasi para matapos na lahat. Pabebe ka din eh.”
“Wow naman sa entitlement mo marites”
“ano bang problema ni ate? hindi pa sabihin kung anong ganap sa aming mga marites, o unti unting inaayos ang problema nila ni tom. nag naayos man o hindi, tsaka magsasalita?”
“Naks eto na nag umpisa na. Maganda si Carla pero walang appeal.”
“Kaloka talaga tong mga celebs magpopost then magpi preach pag di type nabasa. I thought Carla is better than this susunod papatol na yan.”
“Bakit kasi sya pa ang nababash sa hiwalayan nila mag asawa. Obviously naman si guy ang may malaking kasalanan. May iba iba tayong coping mechanism. Hayaan nyo sya kung gusto nya ibalandra yung ringless finger nya!!”
“ayon sa mga loyal faneys nila mukhang walang cheating na naganap at may iba silang issue. pero ayaw nya makipag ayos sa asawa nya kc pabebe sya”
“In short pa-controversial si Carla. Yan muna ganap kaya di muna sasabihin ang issue nila ni tom.”
“Sa mga ganitong issue talaga ibang-iba si MR, sya talaga walang parinig, walang pashade”
***
WILLIE MAY MATAAS NA POSISYON SA AMBS
AYON sa bulung-bulungan isa sa top executive ang magiging pwesto ni Willie Revillame sa TV network ni dating Senador Manny Villar.
Aside sa real estate business, papalaot na rin ang Villar family sa media business.
Ang name ng company ay Advanced Media Broadcasting System Inc.
Kamakailan ay dinalaw ni Mr. Villar kasama ang anak na si Camille, ang congresswoman ng isang distrito sa Las Pinas si Kuya Wil.
Sa pag-uusap daw ng magkaibigan, malaki ang posibilidad na magkaroon ng mataas at mahalagang posisyon sa AMBS ang TV host.
Kapag natuloy daw ang pagkakaroon ni Kuya Wil ng mataas na puwesto sa ABMS, welcome na welcome raw na mag-apply ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN.
Marami kasi ang nawalan ng trabaho mula nang magsara ang Kapamilya Network nang hindi i-renew ang kanilang kontrata