Advertisers

Advertisers

Imbentong isyu ni Xian Gaza kay Mommy Pinty Gonzaga, pinalagan ng utol; Ashley Aunor in-demand sa guestings

0 393

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SIRA ang kredibilidad ni Xian Gaza matapos palagan ni Uncle Jojo ang inimbentong isyu ni Xian sa sister na si Mommy Pinty Gonzaga.

Ang lakas ng loob ng Xian na ito na paratangan si Mommy Pinty na tinawag daw siyang “scammer” at “wanted” nang nakita niya ito sa isang coffee shop sa Singapore noong taong 2020.



Ang da height at ka-cheapan ay pinalabas pa niyang pinahiya siya ni Mommy Pinty sa kanyang ‘sugar baby’ at sa harap ng maraming tao. Wow, sobrang sinungaling ang sawsawerong nilalang na gustong gamitin si Mommy Pinty para mapag-usapan.

Well, kayo ni Uncle Jojo ang magtuos. Hayan sa Vlog ng nasabing brother ni Mommy Pinty ay sinagot nito ang mga fabricated accusations ni Xian sa kanyang Ate na hindi raw nila kasama ni Alex noong kumain sila sa sinasabing coffee shop ni Xian.

“Ayan ‘yung nasa likod namin si Christian Albert Gaza (Xian). Check nyo vlog starting 6:51 wala at di namin kasama si mommy pinty at daddy bonoy. Wag ganun pinagkamalan mo pa akong senior citizen hehehe https://youtu.be/FGXA9v_Boes.” Dagdag pa nito, “Hehehe naku mali ang kwento mo kasi ako at ang pinsan namin na taga SG Regina Cruz Alcantara ang kasama lang ni Alex noon kumain sa toast box marina bay sands 3 yrs ago.

“Wala si mommy pinty at daddy bonoy noon kasama nina Seve nag-iikot sa mall. Naturo ka samin ng pinsan ko at ang latest na alam nun sayo ay ang balita na marami ka daw “naloko.” At boses ko yung narinig mo hindi sa ate ko malakas talaga boses ko siguro kaya nadinig mo pasensya na yun ang sikat (Mommy Pinty) sa iyo nung time na yun dito sa pinas. Wag mo ng idamay ang ate ko at may resibo kami kahit balikan nyo pa vlog ni Alex sa SG,” pagtatapos ni Uncle Jojo o Joey C. Cruz.

Oh, loud and clear na ba tsismosang ewan Xian?



***

KUNG ratsada sa singing and acting career sa Viva last year ang sister na si Marion Aunor, si Ashley naman ay in-demand sa iba’t ibang guesting tulad last November ay siya ang special guest sa MYXCLUSIVE at noong December aynasa MOR si Ashley o Cool Cat Ash sa programang “Good Time To!” at Wish 107.5 Connect.

Patuloy ding nakatatanggap ng recognition para sa kanyang singing career si Ashley at dalawang awards ang tinanggap niya mula sa PMPC Star Awards for Music na “Best Novelty Song of The Year” at “Best Novelty Artist of The Year.”

Samantala ay super proud Mom si Maribel Aunor sa achievements ng parehong multi-talented daughters na sina Ashley at Marion. Pwede pa ring i-download ang mga song nina Ashley at Marion sa mga popular na online music stores tulad ng Spotify at Apple Music.

***

Direk Reyno Oposa, Magre-release Ng Merchandise T-Shirt Para Sa Movie “CLAVER: ISLAND OF PROMISE”

This 2022, muling bibida ang lead actor ng Takipsilim na si Aquilino Oposa, na ama ng director/scriptwriter/film producer na si Reyno Oposa. Yes, binubuo na ang cast ng movie nilang “CLAVER” at makakasama rito ni Aquilino ang ilang kilalang artista at mga newcomer na  talents ni Direk Reyno.

Nakatakda itong i-shoot sa Surigao Del Norte, na may malaking lupain si Direk Reyno. Soon ay maglalabas na ng merchandise na t-shirt ng Claver movie ang Ros Film Production na ang nakasulat sa design ay WILD ISLAND CLAVER. Mabibili ito o you can order this sa FB Page ni Direk Reyno at Collabros Artists.

Magso-shoot din sila sa Bagacay Lagoon And Resto Bar na makikita rin sa Surigao at sa isa pang kilalang resort doon na pag-aari ni Noel Sulapas Valenzuela-Oposa, na ipinagmamalaking cousin ni Direk Reyno.