Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY sabi-sabing mukhang si Willie Revillame raw ang magiging right hand ni Manny Villar para maging tagapamahala ng itatayong TV network ng business tycoon.
Si Kuya Wil raw kasi ang kumukuha ng mga bigating kilalang executives at mga artistang isasama sa AMBS company ng dating senador.
May posibilidad daw kasing maupo bilang isa sa mga bossing ng Advance Media Broadcasting Systems (AMBS) si Kuya Wil after makuha ang frequency na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN.
Nilapitan na nga raw ng TV host ang broadcaster na si Anthony Taberna na dating nasa ABS-CBN ns ngayon sy nasa DZRH na.
Ss vlog ni Ka Tunying, binahagi niya ang text sa kanya ng TV host.
Tinanong daw ni kuya Wil si Ka Tunying kung hanggang kailan daw ang commitment nito sa DZRH.
“Gusto pa yata akong ipirata ni Kuya Will!” sey ni Ka Tunying.
Usap-usapan ding hinihikayat din daw nito ang kaibigang aktor na si John Estrada.
Baka nga raw mag-ober da bakod si John pag natapos na ang kanyang character sa FPJ s Ang Probinsyano.
Nabalitaan din naming maging si Aga Muhlach ay kinakausap na rin daw ni Kuya Wil.
Hanggang February 11 na lang ang programang Wowowin ni Kuys Wil sa GMA7 at February 15 ay expired na ang kanyang kontrata.
Nais umano sanang magpahinga ng TV host ngunit may ugong-ugong na minamadali na ang programa niya sa TV network ni Villar.
Back to Aga, may post ang actor sa kanyang social media account ng mga larawan nila ni Kuya Wil with Charlene Gonzales na kanyang misis.
Sa ibinahaging larawan ni Aga, mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa.
Ang nilagay na caption ng actor ay, “Masayang kwentuhan… Maraming salamat sa surpresang pag bisita samin, Wil! #DamingGanap @itsmecharleneg.
***
TONI SINABIHANG INGGRATA NG NETIZENS
Si Toni Gonzaga ang nag-host sa kampanya ni Bongbong Marcos sa pagtakbo bilang Presidente sa darating na halalan sa Mayo.
Campaign period na ng mga tatakbo para sa national election.
Nitong February 8, kinopo ni BBM at ng kanyang runningmate na si Davao Mayor Sara Duterte ang Philippine Arena na nasa Bulacan.
Maraming supporters nina BBM at Sara ang dumalo sa nasabing kampanya.
Sabi nga ng mga netizens, suportado raw tiyak ng Iglesia Ni Cristo sina BBM dahil napapayag na sa Philippine Arena ganapin ang rally na pag-aari ng INC.
Ang Multi Media Queen na si Toni ang naging host ng programa.
Hindi maiwasang makatanggap ng mga negatibong opinyon ang TV host-aktres dahil sinuportahan daw niya ang tiket ni BBM.
Hindi naman nabahala si Toni.
Nakasuporta naman ang mga followers ni Toni.
Anila: “Go Toni, everyone has the right to choose, has the right to vote.”
Ayon naman sa isang netizen, “Pero sana lahat ginagamit utak para hindi na masadlak sa dusa ang Pilipinas”
May nagsasabi namang sa ginawa ni Toni ay, “Ewww! Yes she has the right pero decency naman! Magresign sya sa ABS!”
“INGGRATA!”
“She hosted the BBM-Sara rally recently. I wont vote for BBM-Sara but to each his own. Kanya kanya naman tayo ng bet”
“totally agree. instead of spending time bashing TG, ipromote nyo ng masigasig mga kandidato nyo para manalo!”
“wala tayo magagawa, thats her choice or her husband’s”
“It’s not about choice, it’s about delicadeza… Kumampi sya sa nagtanggal ng prangkisa ng abscbn na nagpasikat sa kanya.”
“It’s not about forcing someone to have same political choices, it’s on empathy. Empathy to the people behind ABS who made her the star that she is today.”
“Sorry Toni pero posting that means you’re REALLY bothered.”
“Kung di sya bothered bakit pa nya pinost?”
“Gosh, the hypocrisy of this gurl. Hndi daw nya kakalimutan ang nagpasara s station nila, pero ngayon, ayun. Iniendorse pa nya ang isa sa mga taong nagpasara.”