Advertisers

Advertisers

Kyline dedma na sinasabihang pangit ng bashers

0 216

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA parating na Valentine’s Day saan kaya balak ni Xian Lim dalhin ang kanyang gf na si Kim Chiu?

Super busy kasi si Xian sa dami ng ginagawa niya teleserye na “False Positive” at ang movie na ‘Bahay na Pula’ kasama sina Julia Barretto at Marco Gumabao, sa direksyon ni international award-winning Direk Brillante Mendoza, na magsisimula nang mag-streaming sa Feb.25



“I don’t really like planning for Valentine. I think mas gusto ko siya i-celebrate the day before. Or even two days before para mas matagal ang time to spend with the people closest to me, my mom and my grandmother.

“I’m at this point na gusto ko silang ipasyal, iikot, specially because of the pandemic na hindi sila lumalabas. Life is really short so I just wanna give them all the love and attention that they deserve from me.

“And or course, with my special someone, alam nyo na kung sino yon, para sama-sama kaming lahat,” say ni Xian.

And speaking of ‘Bahay na Pula’, may kakaibang karanasan si Xian na ikinakaba  niya nang husto. Dahil sa feel ng aktor na i-video ang venue ng kanilang shooting at mai-vlog  sa kanyang vlogsite, laking gulat ni Xian na naging blangko ang kinalabasan ng kanyang mga kuhang footages.

“When we first got there, nag video ako. Dala ko yung camera ko, kasi I take footage for my vlog. Tapos, nang bumalik na kami sa hotel, I checked yung video, wala, nabura lahat ng files ko. Sabi ko ‘Direk Brillante, ayaw yatang magpa-video.’ And he said, baka nga, kaya huwag mo nang i-push,” saad pa rin ni Xian.



***

DAHIL na rin sa pagkahilig mag-post sa sariling social media account ay hindi talaga maaalis na may nasasabing hindi maganda ang mga basher ni Kyline Alcantara.

Na kahit hindi palapatol si Kyline ay may nagkomento sa kanyang acting skill na naging ‘patola’ ang young actress. Kung may mga kilig comments na nakukuha si Kyline, lalong lalo na sa vlog nila together ng kanyang boypren na si Mavy Legaspi, may pumuna rin sa kanya na tila hindi niya nagustuhan.

Ayon sa post ng  isang netizen hindi raw marunong umarte si Kyline.

“Most po na nakakatrabaho ko, sinasabi naman po nila na marunong ako umarte. Oh, I don’t need to prove myself,” say ni Kyline.

Pero hindi doon natatapos ang pagba-bash sa kanya, may nagdagdag pang komento na ang pangit daw ni Kyline pag umaarte, as in hindi siya kagandahan sa screen during takes.

“During heavy dramas, wala po talaga akong pake sa mukha ko, as in, wala talaga akong pake. It’s not about how I look, it’s about how I feel. As long as maramdaman ng audience ‘yung nararamdaman ng character ko at that moment in time, okay na po sa akin ‘yun.

“Wala po talaga akong pake kung pangit po talaga ako,” dagdag na say pa ni Kyline.