Advertisers

Advertisers

Mayoralty bet VM Honey umapela sa physically challenged na unvaccinated na humingi ng tulong sa brgy para ma-schedule sa home vax

0 225

Advertisers

UMAPELA si Manila Vice Mayor at ngayon ay mayoralty candidate Honey Lacuna sa pamilyang may unvaccinated na physically challenged na humingi ng tulong sa kanilang barangays upang makakuha ng home vaccination schedule.

“Walang patid po ang ating pagsasagawa ng door-to-door vaccination para sa ating mga senior citizens at mga bedridden lalo na po ngayong panahon na ito,” sabi ni Lacuna sabay sa pagbanggit ng kanilang adhikain ni Mayor Isko Moreno na hindi sila titigil hanggat hindi bakunado ang lahat.

Si Lacuna na sinasamahan ng kanyang vice mayoral candidate Congressman Yul Servo sa kanyang home service inoculation, ay nagsabi na hindi sila mapapagod sa paghahanap ng natitirang bedridden, senior citizens at physically-challenged individuals na kailangang bakunahan.



“Bilang isang doktora, mahalaga po na patuloy po ang ating bakunahan sa kanila dahil na rin sila ang napapabilang sa vulnerable sector,” pagbibigay diin ni Lacuna.

“Umasa po kayo na kasama niyo po kami ni Mayor Isko at ang buong pamahalaang -lungsod ng Maynila, na lingunin ang lahat ng inyong pangangailangan. Sa Maynila, bawat buhay ay mahalaga, walang maiiwan,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Lacuna siya at si Moreno ay puspusan na sa pangangampanya simula pa noong Day 1 ng pandemic upang ang lahat ay mabakunahan.

Igiinit ni Lacuna na sa pamamagitan lamang ng vaccination makukuha ng isang indibidwal ang kailangang proteksyon para sa sarili, mahal sa buhay dahil tatanggalin nito ang panganib na mauwi sa severe o critical condition ang isang nilalang sakaling tamaan ng COVID-19. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">