Advertisers

Advertisers

Piolo tipid at ‘di gumagastos ‘pag V-Day

0 321

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa pagho-host ni Toni Gonzaga sa grand rally ng BBM at Duterte kamakailan, na-evict ito sa show na PBB na siya ang host.

Dismayado naman ang mga empleyado ng ABS-CBN sa pagho-host ni Toni sa nasabing grand rally.



Kaya naman ang mga netizen ay na-bash na naman si Toni at sinasabing resign for delicadeza.

Parang ‘di raw nito knows na 11,000 na mga empleyado ang nawalan ng trabaho nung ipasara ang ABS-CBN dahil sa pagsuporta nito sa Unity Team.

Bulung-bulungan tuloy na si Bianca Gonzales na ang magiging main host ng Pinoy Big Brother.

Nasayang daw ang panahong inilagi nito sa Kapamilya network na inalagaan siya.

May sitsit na nag-resign na si Toni at wala pa raw pahayag ang exec.



Bakit kasi hindi pinag-isipan mabuti ang pagsalang sa entablado kung may masasagasaan or wala.

Nawindang lang naman ang mga empleyado ng Kapamilya sa pagho-host ni Toni sa grand rally.

Kaya kinantiyawan si Toni na wala na itong career sa paglabas ng bahay sa Kapamilya network.

Eh kasi naman…sayang!

***

ILANG araw na nga lang daw ay Valentine’s day na kaya naman inuurat ng netizens kung sino ba ang ka-date ni Piolo Pascual sa nalalapit na Araw ng mga Puso.

Mag-40 something na nga si Piolo pero tila wala pa itong opisyal na mamahalin.

Pero may isang nali-link pero wala naman confirmation na sila na kundi puro tsika ever.

Ilang Valentine’s day na nga raw na walang ka-date si Piolo.

Kaya wala nga raw itong ginagastos at nakatitipid ito kapag sasapit ang Araw ng mga Puso.

Pero umaasa si Piolo na darating din ang panahon na mapapana na ni Kupido ang kanyang puso.

Pero may ilang netizens naman na ‘di naniniwala na wala itong ka-date sa Araw ng mga Puso.

Well, well, well…’Yun na!