Advertisers

Advertisers

Sa pagtakbo sa eleksyon… Mommy D, nangangambang maubos ang pera ni Manny; Carla nagpa-tattoo at walang suot na singsing sa vlog

0 285

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA pagsabak daw dati ni Manny Pacquiao sa eleksyon ayon kay Mommy Dionisia ay saku-sakong pera ang pinakawalan nito sa unang pagtakbo.

‘Yung di pa nga Presidente ang tinatakbo ni Manny kuwento ni Monmy Dionisia ay napansin ng kanyang mga amiga ang pagbibigay ng datung ni Manny.



Lalo na raw ngayon na pang-panguluhan ang tinarget ni Manny.

Kung dati nga raw ay gumagastos na ito ng malaki sa unang pagsabak nito sa pulitika, ngayon pa kaya na Presidente ang tinatakbo nito. Napansin kasi ni PacMom na tila nabawasan na ang saku-sakong pera ng anak.

Hindi mawawala sa isipan ni Mommy Dionisia na baka maubusan at mabasyo sa datung si Manny.

Inaalala lang naman nito ang anak na baka maubos ang kanyang pinaghirapan dahil sa pagtakbo nito sa mataas na posisyon.

Pinasalamatan naman ni Mommy Dionisia ang lahat ng sumusuporta sa kanyang anak na si Manny.



Ipagdarasal daw ni Mommy D ang panalo ng kanyang anak sa ambisyon nitong maging Pangulo ng bansa.

***

SA Vlog ay ibinahagi ni Carla Abellana ang kanyang ipina-tattoo.

Isang maliit na heart ang tattoo kay Carla.

Ayon sa aktres, ‘di masakit ang pinagawa niyang tattoo na inilagay sa likod ng tenga nito.

Inabangan naman ng mga fanatics si Tom Rodriguez sa vlog ni Carla.

Pero natapos na nga raw ang buong bidyo ay walang Tom na lumabas.

Ayon sa netizens, baka magkakabalikan din ang mag-asawa at binigyan muna nila ang mga sarili ng space sa isa’t isa.

Ginawa ni Carla ang kanyang Vlog nito lang 3rd week ng January para i-update ang kanyang followers kung ano na ang ganap sa kanya.

Nasa bahay lang daw siya ng kanyang mommy.

At isa pang kapansin pansin ay walang suot na singsing si Carla na dati naman sa lahat halos ng Vlog nito ay meron siyang singsing.

Maniniwala lang daw  ang mga fanatic pag wala na ang picture nila na naka-post sa kanilang socmed.

Well, well, well…’Yun na!