Advertisers
MISMONG si SEN. VILLANUEVA ang umasiste sa kaniyang 2 anak na sina Jaden, 11 at Gwen, 9 (inaalalayan ni Sen. Villanueva sa litrato) kahapon ng hapon sa bakunahan ng mga batang edad 5-11 sa Arena, San Juan City.
“May mga pag-aaral sa siyensiya na mas kinakailangan ng mga bata ang bakuna dahil sila ang mas madalas na tamaan ng sakit, kaya ako po mismo ay hindi muna sumama sa pangangampanya para masamahan ko.mismo ang mga anak ko. Ito ay hindi lamang sa kapakanan ng mga anak ko kundi ito ay para rin sa kapakanan ng komunidad at higit maging handa para sa face to face classes,” pagpupunto ng nataguriang Tesdaman sa Senado kasunod ang pagsasabing alisin umano ang pagdududa sa bakuna dahil walang magulang ang nanaising.mapahamak ang mga anak, kundi laging hangad ng.mga magulang ay ang magandang kapakanan para sa mga anak nila.