Advertisers

Advertisers

Toni nagbabu sa PBB matapos mabatikos sa pag-host sa rally ni BBM

0 194

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PAGKATAPOS ng pambabatikos na natanggap sa netizens lalo na sa mga empleyado ng naipasarang ABS-CBN, nagdesisyon si Toni Gonzaga na magbitiw bilang host ng Pinoy Big Brother na naging bahagi siya sa loob ng humigit kumulang na 16 taon.

Kinuyog kasi ang actress turned YouTuber dahil sa naging partipasyon niya sa proclamation rally ni Bongbong Marcos na ginanap sa Philippine Arena.



Ang hindi kasi nagustuhan ng mga kumuyog sa kanya ay nang i-endorso niya si senatoriable Rodante Marcoleta na isa sa mga dahilan para maipasara at hindi ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

May mga nagsasabing walang utang na loob daw at walang delicadeza ang aktres dahil naging insensitibo ito sa sentimyento ng network na tumulong para makilala siya bilang aktres, TV host at multimedia artist.

May mga humihirit din kung bakit nanatiling may trabaho pa ang aktres sa network samantalang nagdidildil na ng asin ang 11,000 employees na na-displaced dahil sa non-renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa kanya namang Instagram page, nagbigay si Toni ng kanyang official statement hinggil sa pagre-resign niya sa naturang reality show bilang host.

Aniya: “Today, I’m stepping down as your main host.”



“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years. I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart. Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off,” dugtong niya.

Kasama sa statement ni Toni ang larawan niya wearing a red outfit na alam nating political color ng isang presidentiable.

“Sending you all my love,” pahabol niyang caption.

Kasabay din ng paglabas ng statement ang pag-unfollow niya ng kanyang celebrity friends sa kanyang Instana sgram account.