Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMING natuwa sa comment ni Tom Rodriguez sa isang post ng kanyang asawa na si Carla Abellana.
Sa posted pics ni Carla sa IG ng kanyang photo shoot, kapansin-pansin ang komento ng kanyang mister na si Tom.
Nag- ‘I Love You’ si Tom sa photoshoot na pinost ni Carla na may 3 heart emojis.
Umabot sa 1K ang nag-heart sa I Love You ni Tom sa larawan ng asawa.
Marami namang natuwa na netizens dahil tila nangangamoy balikan ang dalawa.
Naghihintay naman na sumagot si Carla sa pa I Love You ni Tom.
Pero wala ngang inasahan ang netizens na kahit man lang heart ay gagawin ni Carla pero deadma.
As in walang reply si Carla, parang di binasa or sadyang ayaw basahin.
Na-hurt naman ang isang follower ni Carla at dama niya raw ang aktres sa kanyang pinagdaanan.
Till now eh di pa din suot ni Carla ang wedding ring nila ni Tom kaya napaisip ang netizens na tila matindi ang pagkakasala ni Tom.
Wish ng TomCar na magkabalikan na ang mag asawa.
Lalo na nga raw parang sinusuyo na muli ni Tom si Carla.
***
HINDI man sa pelikula o telebisyon ay natupad na rin ang dream ni Nadine ma maging sirena.
Sa latest post nito sa kanyang IG ay ibinahagi nito ang kanyang mga pictorial.
Gagamitin naman ito para sa isang magazine.
Ang dream role niya na maging sirena ay natupad na.
Hindi nga lang daw sa TV or film kungdi sa isang magazine.
Marami ang pumuri na netizens sa sirena costume picture ni Nadine.
May mga netizen naman ang nagsasabi na bagay na bagay pala kay Nadine ang pagiging Mermaid. Sana nga raw ay maisip ng Viva na mai-remake ang Dyesebel na si Nadine naman ang bida.
Dahil mukhang bagay sa ex ni James Reid na maging sirena.
Well, well, well… ‘Yun na!