Coco type ni Sen. Ping gumanap kung isasapelikula ulit ang kanyang buhay; Kris nagpasalamat kay Lacson sa papuri sa namayapang utol na si Pres. Noynoy
Advertisers
KUNG dati ay sina namayapang Rudy Fernandez, Edu Manzano at Robin Padilla ang mga gumanap sa lifestory sa pelikula ni Sen. Ping Lacson, sakali raw gawan siya ulit ng bagong pelikula, si Coco Martin naman ang gusto ng presidential aspirant na gumanap sa kanyang buhay.
Sa isang interview, tinanong ang Senador kung sino sa mga artista ang pipiliin niyang gumanap bilang siya.
“The first movie about me, I was portrayed by actor Edu Manzano, then later Rudy and Robin. For a new movie, I’d like Coco Martin to portray me,” pahayag ni Lacson.
Mahusay daw kasi umarte si Coco na makikita sa pagganap nito bilang pulis sa teleseryeng “Ang Probinsyano.”
“Because he was talented in portraying the policeman Cardo Dalisay in the teleserye Ang Probinsiyano.”
Ang “Task Force Habagat” na pinagbidahan ni Edu Manzano; “Ping Lacson: Super Cop” ni Rudy Fernandez; at “10,000 Hours” na ginampanan ni Robin Padilla ay pawang base sa buhay ni Lacson.
Samantala, nagpapasalamat naman si Kris Aquino kay Sen. Ping sa ipinahayag nito na sa lahat anya ng naging presidente ng bansa, si dating Pangulong Noynoy Aquino ang pinakahinahangaan niya dahil hindi raw ito corrupt.
Napatunayan anya niya ito dahil dati niyang nakatrabaho ang namayapang pangulo na kapatid ni Kris.
Sey nga ni Kris, gumanda umano ang pakiramdam niya sa mga sinabi ni Sen. Ping. (BKC)