Advertisers

Advertisers

Piolo tatapatan ang sitcom ni Lloydie

0 428

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY natapos na palang sitcomb si Piolo Pascual mula nang bumalik siya sa home studio last year.
Ang akala namin ay first project niya ang Pinoy adaptation Koreanovela na pagsasamahan nila ng bagong Kapamilya actress na si Lovi Poe, ang Evil’s Flower.
Self-titled ang sitcom ng gwapong aktor, ang My Papa Pi na naka-schedule mapanood nitong Marso.
Sa social platforms ng Kapamilya ay may post silang “Bawal malungkot ngayong darating na March dahil aarangkada na ang SWEETCOM na talaga namang magpapa-smile at magpapa-kisay sa buong sambayanan!
“Wala ng patumpik-tumpik pa mga bes! Eto na ang, MY PAPA PI! ??”
Star Creatives ang nasa likod ng nasabing sitcom ng heartthrob actor.
Ang My Papa Pi ang pagbabalik-sitcom ng aktor after ng Home Sweetie Home nung 2020.
Palaisipan pa sa netizens kung sino ang magiging leading lady ni Papa P.
Isang netizen naman ang nagsabing, “baka pantapat sa sitcom ni JLC na HappyTwoGether sa GMA7 ang My Papa Pi sitcom ni Papa P”.
***
FRANCINE KINUKUYOG NG MGA KOREANONG AKTOR
GRABE na to..imagine ang beauty ng young actress na si Francine Diaz ay mabenta sa mga Korean actor ng All Of Us Are Dead.
Matatandaang unang naka-follow kay Francine sa IG niya si Yoon Chang na mas kilala sa pangalang Cheong San sa AOUAD.
Nakipag-chat pa nga ito kay Francine.
This time naman ay napa-“sana all” ang netizens dahil pina-follow rin siya ng isa pa ring cast ng AOUAD na si Ham Sung-min a.k.a Gyeong-su.
Pinasalamatan naman siya ng aktres sa pag follow nito sa kanyang social media account.
Ang mga netizens ay walang nasabi kundi “ang haba ng hair mas mahaba sa hair ni AB. Sana all.”
***
MGA KAIBIGANG CELEBRITIES IN-UNFOLLOW NI TONI G.
IN-UNFOLLOW na raw ni Toni
Gonzaga ang kanyang mga celebrity friends.
Gaano kaya katotoo ito?
Espekulasyon ng netizens dahil daw sa kinakaharap na isyu ng TV host.
Naging big deal daw kasi.sa mga ABS-CBN employees at ibang executives ng network ang paghu-host ni Toni sa campaign rally ng BBM-Sara at sa mga senatorial candidates nila.
Umigting ang kanilang galit lalo pa nang i-introduce ni Toni ang isa sa mga pumirma ng ‘no franchise for ABS-CBN’ na si Congressman Rodante Marcoleta.
Katakut-takot na pambabatikos ang tinamo ng TV host dahil kay Marcoleta.
Nag-post naman ang TV host na hindi raw siya naba-bothered sa nangyayari sa kanyang paligid.
Pero na-curious ang nerizens nang bitawan ni Toni ang pagiging host ng Pinoy Big Brother.
Kaya komento ng mga ito:
“that unbothered to bothered.. sabihin mo na kasi #teddie”
“New show alert: Pinoy Big BOTHERED”
“Yikes. Bothered yan si Ate Girl, mukha lang hinde. Sa mga kwento niya before sa struggles niya sa showbiz laging conscious siya sa sasabihin ng tao na kailangan ok image niya. Nabother siya kasi mga co- workers nya na bumabatikos sa kanya. Wala naman kaso sino susuportahan pero di na sana out and proud lalo na kung yun yung mga taong nagpasara sa pinatatrabahuan mo. Weird di ba.”
“Ohhh i never expected Toni to react this way. Maybe i never really knew her ???????”
“Parang hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya. Im not sure pero somehow nalulungkot ako how everything turned out for her”
“Same same, medyo nasad rin ako sa mga pinagdadaanan nya ngayon”
May kumocomfort naman sa TV host-actress
“Madami masasabi iba tao pero dedma na, trust your heart first”
“Buti na din she did it. It’s for her own good, coz she knows for real, na hindi naman talaga sya unbothered to the comments about her na possible nyang madaanan sa IG.”
“Unbothered pero nag-unfollow ano ‘yon? Word of the week “Unbothered” by Toni”
“For sure she got hurt reading all the patamas of her friends in showbiz. Lets not direct the hate on Toni. Why should we vote the other candidates and not BBM? And vice versa? Ganyan nalang sana puros insulto lahat naman tayo di perfect!”
“The unbothered tag came from her fans not her. for sure she got affected. ang toxic kaya ng mga haters, on both sides”
“Nirepost nya sa IG stories nya yung unbothered na yan. Alam na nyang magkakaroon ng backlash sa choice nya lalo na from ABS employees na nawalan ng trabaho pero she still has the audacity na magsabing unbothered sya. May pagka arogante ang dating.”
“In fairness, tumaas followers nya. Kahapon nasa 6.8m lang yan. Kaka follow ko lng sakanya kahapon.”