Advertisers
TUWANG-TUWA ang illegal gambling operator na si alyas “Alice” dahil patuloy na namamayagpag ang iligal niyang pasugalan sa national highway sa Barangay Paradahan sa Tanza, Cavite.
Ayon sa impormasyong ipinarating sa BIGWAS! , walang sakit ng ulo ang poste ni alyas Alice dahil hindi ipinatitigil ng pulisya kahit palaging sobrang dami ng mga mananaya ng color games ni alyas Alice habang masahol pa ang coronavirus diseas – 2019 (COVID – 19).
Pokaragat na ‘yan!
Dapat kagyat na ipatigil ni Mayor Yuri Pacumumio.
Muling tumatakbo si Pacumio sa pagkaalkalde ng Tanza, kaya nararapat lamang siyang umaksyon laban sa iligal na mga pasugalan sa kanyang nasasakupan, kabilang na ang nakapuwesto sa Barangay Paradahan.
Hindi maliitang sugal ang color game dahil pinakamaliit na kita nito kada araw ay P50,000, banggit ng impormante ng BIGWAS!
Kahit matanda na si alyas Alice ay hindi nagreretiro.
Pokaragat na ‘yan!
Pero, mas matindi ang iligal na pasugalan sa Rodriguez/Montalban Rizal dahil lantarang nakapuwesto malapit sa munisipyo.
Pokaragat na ‘yan!
Ang pacolor game at padropball sa Barangay Kasiglahan ay si alyas “Bombay” ang poste.
Malapit ang pasugalan sa palengke.
Ang matindi ay malapit din ito sa police sub-station ng Rodriguez.
Pero, hindi ginagalaw ng mga pulis kahit alam naman nilang bawal ang illegal gambling at malala ang mga kaso ng COVID – 19.
Pokaragat na ‘yan!
Obligadong pakiluson ni Rodriguez Mayor Hernandez ang pulisya laban sa iligal na pasugalang binabantayan ni alyas Bombay, lalo pa’t tumatakbo sa pagkaalkalde ang kapatid niyang si Mayett.
Ayon sa impormante ng BIGWAS!, mistulang “mini-casino” ang nasabing iligal na pasugalan.
Nakakalula rin ang malaking pacolor gane at padropball sa Antipolo City.
Nakapuwesto ito malapit sa Petron na ilang hakbang lang sa simbahan ng Antipolo.
Pokaragat na ‘yan!
Ang tindi nito dahil malapit sa simbahan.
Ang pinansiyer ng nasabing illegal gambling ay si alyas “Mike”.
Si alyas “Lito” ang poste ng pasugalan ni alyas Mike.
Isinalatawan ng impormante ng BIGWAS! na mistulang mini-casino ang naturang pasugalan.
Pokaragat na ‘yan!
Hindi ba alam ito ni Mayor Andrea “Andeng” Ynares?
Hindi rin padadaig ang pacolor game at padrop ball na pinopostehan ng isang alyas “Rambo” sa Binangonan.
Kitang-kita ng mga tao dahil nakapuwesto sa high-way ng Macamot ng naturang bayan.
Matagal na puwesto ni alyas Rambo , ngunit napapatigil ng pulisya.
Bakit kaya?
Ang isa pa ay ang pacolor game at padropball ni binabantayan ni ni alyas “Jess” sa Barangay Muzon, Taytay.
Hindi naman kalakihan ito, pero napakalapit lang sa barangay hall.
Pokaragat na ‘yan!
Sino ba ang punong barangay dito?!N