Priority raw kasi ang lovelife… Angelica umayaw sa project na kasama si Piolo; Jessy humirit ng huling sexy pictorial
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BAGO pa man daw mag-turn 30 at magpokus sa pagbubuntis ay humirit pa ng isang sexy pose si Jessy Mendiola.
Excited na ibinahagi ni Jessy ang sexy pictorial sa kanyang socmed account.
Madami namang namangha sa misis ni Luis Manzano dahil sa curve ng body ng actress-vlogger.
Nakasuot si Jessy ng two piece na black with matching black glove.
Ayon nga sa kanyang post ay huling pasabog na raw niya ito ng pagpapa-sexy.
Dahil malapit na raw mawala ang edad nito sa kalendaryo.
At higit sa lahat ay popokus na raw ito sa pagbuo nila ng pamilya ni Luis.
Noon pa raw humihirit si Ate Vi ng apo sa mag-asawa katunayan ay nagregalo pa ito ng complete na gamit ng kanilang magiging baby.
***
DAPAT si Angelica Panganiban ang magiging leading lady ni Piolo Pascual sa kanyang weekly program sa Kapamilya.
Bigla na nga lang si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach na ang leading lady ni Papa P.
May mga sitsit kasi na nagkasakit ang magdyowang Angelica at Greg Homan.
Ito kaya ang dahilan kaya di tinanggap ni Angelica ang project?
Nasabi naman dati ng aktres na this time ay tututok ito sa kanyang lovelife.
Hindi raw katulad dati na talagang kabi-kabila ang tanggap ng projects ni Angge.
Kaya naman namimili na ito ng project na gagawin.
Well, kung anuman ang reason ni Angelica sa di nito pag-grab ng project with Piolo ay respect na nga lang daw ayon pa sa netizen.
Hmmmp!? Well, well, well… ‘Yun na!