Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang bagong entry sa vlog, sumalang sa kakaibang hamon na “A to Z challenge” ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.
Kasama ang kanyang kaibigang si Donna, pumasok sila sa isang convenience store na kailangan nilang mamili ng items na nagsisimula mula letters A to Z.
Kung makukumpleto ng kanyang friend ang challenge, si Vice ang magbabayad ng kanyang mga napiling items.
Kung bigo naman ang nasabing dyulalay ni Vice na makumpleto ang items, ito ang mega pay ng mga nakulekta nila.
Ang paghahanap ng bawat item sa convenience store ay kailangan nilang gawin sa loob ng isang minuto.
Siyempre add to cart dito ang biscocho, fresh milk, ice cream, tortillas, ubas, yoghurt at iba pa.
Pinayagan din ng komedyante na mag-qualify ang brands ng pineapple juice, chocolate, sitsaron, tsitsirya, bleaching agent, bigas, chewing gum at iba pa.
May naloka namang viewers na sa paghahanap ng items na nagsisimula sa letter H ay pinayagan ni Vice ang mineral water na aniyaý H2O ang chemical formula.
Nakalusot din sa Unkabogable Star ang dalawang sitsiriya na ayon kay Donna ay pasok sa Letters K for kutkutin at M for mangangata.
Sa paghahanap naman ng item na nagsisimula sa letter L, naghanap si Vice ng ‘lubricant’ o pampadulas.
Hirit tuloy ng kibitzers, ‘maelya’ raw ang komedyante dahil gumagamit ito ng lubricant sa pakikipagniig na hindi naman nila natagpuan sa nasabing convenience store.
Sa huli, naipasa naman ni Donna ang challenge kaya si Vice ang natokang magbayad ng pinamili nila sa nabanggit na store.
Sa isa pang bagong entry sa kanyang vlog, usap-usapan naman ang Unkabogable Star nang ibahagi niya kung ano ang tunay na nangyari sa US trip nila ni Ion.
Ikinasal na pala ang dalawa sa isang simpleng civil ceremony sa Las Vegas na kumikilala sa same-sex marriages.
Itinaon lang nilang ilabas ang video ng kanilang pag-iisang dibdib sa bisperas ng Valentine’s day.