Advertisers

Advertisers

Sey ng netizens… Willie mas may delikadesa kaysa Toni

0 357

Advertisers

Ni BETH GELENA

ESPLIKA ni Willie Revillame bago namaalam ang kanyang programa, ang Wowowin sa GMA 7, na walang katotohanang nakikipag-usap na raw siya sa mga artista na isasama niya sa TV station ni former senator Manny Villar.

Kung binista man daw siya ng dating senador wala raw silang napag-usapan kundi ang samahan nila lalo na yung tumakbong Presidente ang dating senador



Paliwanag ni Kuya Wil, pano raw siyang lilipat e walang transmitter na siyang pinakaimportante para makapag-ere ng mga programa.

Tahasan din niyang sinabi na may kontrata siyang hawak na matagal nang naibigay sa kanya ng GMA 7 dangan nga lang at di pa niya ito pinipirmahan.

“Heto po ang kontrata na binigay nila sa.akin. matagal na po itong nasa akin pero di ko pa pinipirmahan kaya walang katotohanan ang mga nilalabas na balitang walang kontrata.”

Sinabi pa ni Kuya Wil na walang katotohanan na nakikipag-usap na siya sa ibang tao.

“For delicadeza na lang po. Malaki po ang respeto ko sa GMA7 lalo na kay Sir Felipe Gozon. Sila po ang nagbukas ng pinto nung time na down ako.



“Hindi ko po gagawin na umeere pa ang aking programa pero pagkatapos nun ay makikipagnegosasyon ako sa iba? Respeto ko po sa mga taong tinanggap nila ako.”

Dahil sa kinakaharap na malaking problema personal na sinulatan ng TV host si Mr. Gozon.

Hindi raw kasi siya nakakatulog kaya pinaalam niya ang kanyang sitwasyon.

Lumapit daw sa kanya ang dating senador para sa itatayo nitong TV station.

Sa kanya raw lumapit si Villar dahil mas nakakaalam daw siya sa takbo ng industriya.

At dream come true raw sa kanya ang in-ooffer ng dating senador.

Sa punto na sulat ni Kuya Wil kay Mr. Gozon humihingi siya ng kasagutan sa kanyang magiging desisyon.

Dahil nung lumapit daw sa kanya si Presidente Duterte at hinihikayat na tumakbo bilang senador, si Mr. Gozon daw ang nagbigay sa kanya ng advise na may tamang panahon daw para sa pulitika na sinunod naman niya.

Sinagot ni Mr. Gozon ang letter ni Kuya Wil.

Ayon sa top executive ng Kapuso Network, hindi sila magiging sagabal sa kanyang dream.

“Take it from Willie, Toni Gonzaga. Ganyan dapat.”

Yan dapat, mag resign muna. Yan ang tunay na delikadesa di yung nanggugulat na lang at proud pa sa ginawa. 😆”

“Mas matino at ma respeto pa pala si Willie kesa kay Toni.”

“Akala ko ba sobrang yaman na ni Willie? Bakit ayaw pang magretire ganyang sakitin na sya? Tapos inaccept pa nya ang position sa Villar channel. Lalo lang syang mai-stress.”

“Ayyy? Nangingialam ka? Di ka nakinig??? May dreams pa nga daw di ba?”

“Issue ba talaga to? Obvious naman na pinili nya yung deal ni Manny. Yun lang. End of contract din naman na sya sa GMA kaya malinis naman paglipat nya.”

***

Studio ng Wowowin binabaklas na…

KUYA WIL PINAMIGAY ANG  65-INCH  SA CAMERAMEN AT DIREKTOR

AFTER na mag-goodbye ni Willie Revillame sa Kapuso Network, agad na ring binabaklas ang stage sa Studio 6 kung saan doon ginagawa ang  Wowowin.

Nalungkot ang production staff ng Wowowin nang simulan nila ang paghahakot ng mga gamit mula sa Studio 6.

Isa sa pinasalamatan ni Kuya Wil ay ang mga cameraman ng kanyang programa.

Bilang pasasalamat, ibinigay ng TV host sa pitong cameramen at direktor ang siyam na 65-inch Smart TV na nagkakahalaga ng P50,000 ang bawat isa.

Sa farewell episode ng Wowowin, nangako si Kuya Wil na mamamahagi pa rin siya ng tulong sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook page at YouTube channel ng Wowowin habang hindi pa nagsisimula ang programa sa bago nitong tahanan.