Advertisers

Advertisers

Thea mas bet ang Japanese kaysa Korean stars

0 221

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PASOK ang well-loved infotainment program na AHA! bilang finalist sa prestihiyosong Prix Jeunesse International Festival 2022. Isa ang AHA! sa shortlisted entries mula sa 41 bansa at kabilang sa daan-daang international children’s programs na nagsumite ngayong taon.

Bukod sa pagiging finalist, makakasama rin ang AHA! sa catalog ng festival 2021/2022 na “Quality in Children’s TV Worldwide.”



Buong-puso ang pasasalamat ni AHA! host Drew Arellano sa Prix Jeunesse Foundation para sa pagkilalang ito.

“Thank you for this amazing acknowledgment from a legendary award-giving body. I am honored to be the host of AHA! but it is truly the staff and crew who are the engine and who makes the show fly to ‘AHAstonishing’ heights of success,” pagbabahagi ni Drew.

Isang Anak TV Seal awardee, ang AHA! ay makailang beses nang kinilala ng iba’t ibang lokal na award-giving bodies. Marami na ring parangal ang napanalunan ni Drew bilang educational program host. Labing-dawang taon nang namamayagpag sa ere ang AHA!

Ang Prix Jeunesse International Festival ay itinuturing na Oscars of Children’s TV. Isa itong bi-annual festival na naglalayong bigyang-pugay ang mga natatanging produksyon sa telebisyon para sa mga bata. Ito ay inoorganisa ng Prix Jeunesse Foundation na itinatag noong 1964. Ang tema para sa taong ito ay “Listen to kids TV: The Power of Sound.” Gaganapin ang awarding ceremonies sa Munich, Germany ngayong Hunyo.

Mapapanood ang AHA! tuwing Linggo, 8:15 a.m. sa GMA Network.



***

PRESIDENTIAL Chief of Staff ang papel ni Thou Reyes sa First Yaya at First Lady bilang si Yessey Reyes at labis ang tuwa ni Thou na muling mapabilang sa mga karakter sa First Lady.

“Bukod po dun sa istorya ng First Lady, mas na-excite po kami kasi of course, we’ll be working with the same people. Same creatives, same team, masarap ho sa pakiramdam kasi naging masaya yung foundation ng First Yaya and we’re just gonna continue working with the same team and working with the same great actors ng First Yaya and of course lumaki pa sa First Lady.

“And ang sarap sa pakiramdam na lahat ho kami salamat ho sa GMA, lahat ho kami ay may trabaho sa unang hirit ng 2022.

“So bukod ho doon sa istorya ng First Lady mas na-excite din po ako na magkita-kita kami, at eto nga po medyo mahaba-habang lock in at safe kaming nakapasok lahat.

“Dun po ako mas na-excite and of course kung masaya po ang set masaya po ang buong team magre-reflect po yan sa istorya namin at iyon po yung napanood nila [sa First Yaya] na iko-continue lang namin sa First Lady,” kuwento naman ni Thou na nakausap namin sa Zoom mediacon.

Napapanood na sa GMA simula nitong Lunes ng gabi, February 14, Araw ng mga Puso, ang First Lady ay pinagbibidahan nina Sanya Lopez bilang Melody Reyes-Acosta at Gabby Concepcion bilang Glenn Acosta.

Tampok din sa First Lady sina Pilar Pilapil bilang Blesilda Acosta; Cassy Legaspi bilang Nina Acosta; Patricia Coma bilang Nicole Acosta; Clarence Delgado bilang Nathan Acosta; Boboy Garovillo bilang Florencio Reyes; Sandy Andolong bilang Edna Reyes; Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia; Jerick Dolormente as Lloyd Reyes, Isabel Rivas bilang Allegra Trinidad; Francine Prieto bilang Soledad Cortez; Samantha Lopez bilang Ambrocia Bolivar; Maxine Medina bilang Lorraine Prado; JD Domagoso bilang Jonas Clarito; Kakai Bautista bilang Pepita; Kai Cortez bilang Norma; Thia Thomalla bilang Valerie “Val” Cañete-Enriquez; Jon Lucas bilang Titus de Villa; Glenda Garcia bilang Marnie Tupaz; Anjo Damiles bilang Jasper Garcia; Kiel Rodriguez bilang Paul Librada at Muriel Lomadilla bilang Bevs.

Ito ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

***

MAPALAD si Thea Tolentino dahil kahit may pandemya ay hindi siya nawawalan ng trabaho; pagkatapos ng stint niya sa The Lost Recipe (na umere mula January 18, 2021 hanggang March 31, 2021) ay kasali naman siya sa katatapos lamang na series ng GMA na Las Hermanas.

Paano siya nakumbinsi na magtrabaho during the pandemic? Kumusta ang naging experience niya sa lock in taping?

“I’m really grateful na since simula ng career ko sa showbiz, sunud-sunod yung projects ko so nasanay ako na may nilalabasan ako ng craft ko, nae-express ko yung sarili ko.

“Noong nagkaroon ng pandemic, ang hirap na ikaw lahat gagawa, may mga auditions through Zoom, ang hirap.

“Noong binigay sa akin yung The Lost Recipe, sobrang excited ako kasi kakaiba yung story plus ang tagal kong hindi nagtrabaho for TV and doing something that you love really helps kahit may pandemic.”

Isa raw sa mga nasa isip palagi Thea pagdating sa pagtatrabaho ay…

“Mag-iingat ako, pero gagawin ko.”

Kapag normal na ang lahat, saan niya unang gustong pumunta at bakit?

“Japan! Actually, bago mag pandemic, last year balak ko dapat mag-Japan noong May para manood ng concert kasi every year pumupunta ako sa Japan to watch a concert.

“Hopefully, ngayon pa lang tumitingin na ako ng puwede kong puntahan at kung ano ang gagawin ko pagbalik ko ng Japan.”

Kung ang iba ay mahilig sa mga Korean stars at series, si Thea ay fan ng mga Japanese artists.