Toni Gonzaga 18 years na naging loyal Kapamilya, Social Media Account mas umangat pa; Cover Songs ni Lei Yadao hinahangaan
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
TAONG 2004 nang kunin ang serbisyo ni Toni Gonzaga ng Studio 23 ng ABS-CBN para maging parte ng “Wazz Wazz Up.”
At nang pumatok ito ay pinapirma na si Toni ng exclusive contract sa ABS-CBN kung saan marami siyang nagawang proyekto sa television, pelikula, at recording sa Star Music.
Isa sa programa sa Kapamilya network na nakilala si Toni sa buong mundo ay ang “Pinoy Big Brother” na 16 years na naging main host ang actress-vlogger.
Dahil sa lakas ng dating sa mga manonood at pagiging bankable star ay nabigyan si Toni ng titulong “The Ultimate Mulitmedia Star” na deserved nito. At dahil sa isyu nga ng sinusuportahan ni Toni at ng mister na si Direk Paul Soriano si BBM na isa sa presidential aspirants ngayong May 9 2022 National Election na bukod sa ninong sa kasal ng mag-asawa itong si Bongbong Marcos ay pamangkin ng wife ni BBM na si Liza Araneta Marcos si Direk Paul. Alam naman natin kung sino sa mga presidentiables ang sinusuportahan ng ABS-CBN, si VP Leni Robredo. Kaysa sa humaba pa ang isyu ng pagho-host ni Toni ng proclamation rally ng BBM-Sara Uniteam sa Philippine Arena minabuti na nitong mag-resign bilang main host ng Pinoy Big Brother.
Labis man niyang ikinalungkot ang paglisan sa show na kanyang minahal ay pikit matang tinanggap ni Toni para mananatili pa rin ang respeto ng ABS-CBN sa kanya.
At siyempre ngayong alam ng ng GMA at TV station ni Villar maging ang TV5 ay siguradong magdadagsaan ang alok kay Toni lalo’t hanggang ngayon ay malakas pa rin ang hatak niya sa tao. Samantala, sa kabila ng bashing kay Toni maliban sa pagtatanggol ng ilang co-celebs sa kanya ay mas lalo pang umangat ang subscribers ng TV host sa kanyang Youtube channel o Vlog na “Toni Talks” na nasa more than 5 million (still counting) na ngayon at 7M naman ang followers niya sa kanyang Instagram Account na celestinegonzaga. Winner!
***
SA kapapanood namin ng Vlog ng iba ay biglang sumulpot ang babaeng kumakanta ng cover songs na malakas ang dating lalo’t habang kumakanta ay tumutugtog ng gitara.
And her name is Lei Yadao na unti-unti na rin pa lang gumagawa ng pangalan sa social media lalo na sa kanyang official Youtube Channel na LEI YADAO. Naghanap kami ng paraan para makontak si Ms. Lei, at hayun nagkaroon kami ng chance na makapag-chikahan via video call. At totoo nga may dating ang singer na ito from United States of Amerika na certified nurse na hinahangaan ng kanyang mga nagiging pasyente sa kilalang Skilled Nursing Hospital sa States. Yes, majority raw ng patient sa hospital ay kinukumbinsi si Ms. Lei na mag-join sa mga international singing competition. May isang pasyente pa nga na pinagkamalan na ang nasabing singer ang kumakanta sa radyo.
Yes, may sariling style at identity sa pagkanta ang bagong kakilala naming singer, na number one fan ay ang kanyang father na si Mr. Salvador Yadao. Maliit pa lang daw si Lei ay siya na ang ka-jamming session ng kanyang ama na mahusay ding mag-play ng guitar.
Isa namang music teacher-conductress at principal ang mother nitong si Ma’am Virginia. Sa mga susunod naming column ay tiyak na marami pa kayong malalaman sa pwedeng taguriang “Queen of Cover Songs” in the future na The Singing Nurse, Lei Yadao.
***
Sommerville Couple Sa Western Australia, May Malasakit Sa Kapwa
Very lucky ang inyong columnist sa aming solo Vlog (Chika Mo, Vlog Kabog) at marami kaming nagiging friends na mga kababayan natin sa abroad.
At isa na riyan ay si Ma’am Erlinda Sommerville, ng Western Australia na regular naming tagapanood at kasama sa listahan ng aming tinatawag na “Ayuda Angels.” Infairness, maliban sa mabait ay may malaking puso si Ma’am Erlinda na may totoong malasakit sa kapwa gayundin ang kanyang hubby foreigner na si Mr. Russel Somerville.
Very humble at down to earth ang couple na ito na may 2 daughters na ang pangalan ay sina Felicity (eldest) at youngest na si Casandra na nakatakdang mag-debut this July.
At matatapos na ito ng kanyang year 12 next year at pipili na ng university na papasukan sa College. Type rin ni Casandra na maging model at may karapatan siya dahil maliban sa maganda at matangkad, pareho palang nagwo-work sa Western Australia si Ma’am Erlinda at ang kanyang hubby na very loving at supportive raw sa kaniya. Bongga naman.