Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SIMULA nang mag-out in the open si Morissette Amon sa nilihim niyang kasal last year, June 2021, dalawang big celebrities din ang umamin na ikinasal na last year and sa hindi sinasadyang pagkakataon, parehong buwan ng Oktober 2021 nagpakasal at sa parehong araw ng Feb. 13, 2022 ay ibinuking.
Ang mga naturang sikat artista ay sina Vice Ganda na umamin sa sariling blog niya na nagpakasal sila ng boypren niyang si Ion Perez sa The Little Vegas chapel in Las Vegas last October 19, 2021 at ang isa ay ang pag-amin din ni Glaiza de Castro na kinasal na rin sa fiance na si David Rainey at ang kasalan ay naganap last October 12, 2021 sa isang intimate Celtic wedding sa isang cliff sa Northern Ireland sa United Kingdom.
Ginawa naman ni Glaiza ang kanyang pag-amin sa programang ‘Kapuso Mo Jessica Soho.’
Matatandang September 2021 nang lumipad patungong Europe si Glaiza para makasama ang nobyo matapos ang ilang buwang hindi pagkikita. Sa Spain nila ginawa ang kanilang prenup shoot.
Samantala, masayang kinuwento ni Vice na sa kanilang wedding vows ay tinawag din nila ang isa’t isa sa kanilang mga palayaw na Tuy para kay Vice at Noy para kay Ion.
Ang tanong, sino naman kayang celebrity couple ang aamin din ngayong taon na kasal na rin sila at nilihim sa publiko?
***
KUNG ang ibang sexy sirens ng Vivamax ay sunud-sunod na ang sexy movies na ginagawa, si Cloe Barreto pagkatapos ng ‘Silab’ last year ay saglit na namahinga sa showbiz.
Pero laking gulat na lang ng kanyang followers nang biglang nasa limelight na naman siya para sa Vivamax’ new TV series, “L”, a trilogy of different stories with three different directors. She appears in the episode titled “Liko”, directed by EJ Salcedo. Tsika tuloy na pinagbawalan daw si Cloe na mag-artista kung magpapa-sexy din lang naman ng kanyang mga magulang na madiin namang itinanggi ng sexy star.
Say ni Cloe, noong nagsimula palang siya sa showbiz as dancer ng isang all-female group ay bininyagan na siya ng basbas ng kanyang mga magulang. At tumuntong siya sa tamang edad at nagpasyang magpaseksi ay may blessings din siya sa mga ito at buo ang tiwalang binigay sa kanyang desisyon .
Pagkatapos magpahinga ng ilang buwan ay sabak na muli si Cloe sa paggawa ng proyektong may kaseksihan na labis ikinasiya ng kanyang followers.
Sa kanyang episode sa “L” na may pamagat na ‘Liko’ ay ginampanan ni Cloe ang role ng isang bored and lonely housewife na isang gabi ay napagkamalan siyang pick up girl ni Vince Rillon, ang male lead character, at nagkaroon ng maalab na love scene.