Bea nagtapat, unang humalik sa dyowang si Dominic; Barbie ‘di na feel si Diego, walang ex na binabalikan
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog ni Bea Alonzo ay kasama ang bf na si Dominic Roque na pang Valentine’s episode at may inamin ito.
Sey ni Bea, true na siya ang unang humalik sa dyowa na si Dominic.
Kinilig naman si Dominic sa pag-amin ni Bea.
Ibinahagi ni Bea kung paano nangyari ang unang halik moments nila ni Dominic.
Ayon sa aktres, napagod daw ang kanyang mga paa dahil sa buong araw siyang naka-heels.
Minasahe raw ni Dominic ang mga paa ng gf na para mawala ang pananakit nito.
Pagtapos ng masahehan, pagtayo nila ay doon na raw napahalik si Bea sa binata.
Sign siguro ito ni Bea ng pasasalamat dahil sa effort na ginawa ni Dominic.
Hindi naman tinatanggi ni Bea na siya talaga ang unang humalik sa bf.
Maraming kinilig na netizens sa rebelasyon na ‘yun ni Bea.
Taong 2016 nang magkakilala sina Bea at Dominic sa isang event at ‘di naman itinanggi ni Dominic na crush na niya ang aktres.
Gumawa nga ito ng paraan para makilala si Bea at nitong January 28 ay kanilang first anniversary.
***
HINDI naniniwala si Barbie Imperial sa ‘love is lovelier the second time around’ if ever magkakabalikan sila ni Diego Loyzaga.
Dapat daw nung sila pa ay ginawa na ‘di sila maghiwalay pero dumating sa punto na kailangan na nilang maghiwalay.
Huwag naman daw sana siya maging marupok at mabale ang kanyang paninindigan na ayaw na nitong makipagbalikan sa ex.
Ganyan din kasi ang ginawa nito sa kanyang mga ex na sina Paul Salas, Ryle Santiago at JM De Guzman na wala nang balikang naganap.
Well, well, well…’Yun na!