Advertisers
NAKA-AMBANG magsampa ng mga kaso ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa nagpapakilalang mga “facts-checkers” na Rappler at Vera Files.
Ang dahilan – pinipihit nitong mga nagsasabing ‘taga-kilatis’ ng katotohanan’ ang talagang katotohanan. Paano ka ninyo na naman?
Sinasabi nitong NTF-ELCAC na marami na silang ebidensiya at maging testimoniya na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso na ngayon ay tinatawag ng ‘KABAG’ (Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, at Gabriela Partylists) ay may mga kaugnayan o mismong operatiba rin ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Sabi naman ng Rappler at Vera Files walang katotohanan ito, ang Makabayan Bloc o KABAG members ay wala daw kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.
Ang mga ganitong pahayag, ayon kay NTF-ELCAC spokesperson for New Media and Sectoral Concerns na si Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, ay hindi ‘fact-checking’, kung di “disinformation”, na magdudulot ng kapahamakan sa ating bayan at mismong taong-bayan.
Isasama na rin daw ni Usec. Badoy sa mga kaso ang Facebook dahil hinahayaan nitong gamitin ng Rappler at Vera Files ang kanilang platform na tinatawag.
Para kay Badoy, ang pagpapakalat ng maling impormasyon lalo na kung makaka-apekto sa kasiguruhan ng bansa, lalo na sa kalat na kalat na FaceBook platform ay di dapat palagpasin.
Sinisira nito ang bayan at pamahalaan at nilalagay sa panganib maging ang Saligang Batas.
“We would like the Filipino people to know that your government is serious in ending this 53 year communist scourge that has brought so much grief and suffering on our people–in no small measure, aided and abetted by unethical journalists with no love for country– and we are ceaseless in our protection and defense of the Republic and our people,” ang pahayag ni Badoy.
Ang sa akin lang, baka naman pwede pa habulin ng Rappler, Vera Files at FaceBook ang malaking pagkakamali nito sa pagkilatis ng talagang katotohanan, na ang KABAG at CPP-NPA-NDF ay talagang magka-ugnay. Nang di na tayo magka-pahiyaan. Baka naman..