Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NASA ibang bansa si Anne Curtis kasama ang mister na si Erwan Heussaff at anak na si Baby Dahlia nang makarating sa kanyang kaalaman ang pagpapakasal nina Vice Ganda at Ion Perez sa Last Vegas nitong nakaraang taon ng Oktubre 2021.
Agad pinanood ni Anne ang naturang vlog na binanggit at pinakita ni Vice ang ilan sa mga litrato ng kasal nila ni Ion. Agad naman itong kinomentuhan ni Anne ng ganito:
“Congratulations to my sisterette @vicegandako ! Welcome to the club! So happy for you,” say ni Anne.
Nakita ng mga netizen ang naturang komento ni Anne at marami sa mga ito ay naging masaya para sa magkaibigan na matagal na rin naman hindi nagsasama. Kung matatandaan simula pa lang ng pandenya ay hindi na nakakapag-host si Anne sa programa nilang “Its Showtime” kaya pati ang hosting job ni Anne ay napuna na rin ng kanilang followers.
‘”We love u anning!!!Thank u for loving and supporting viceion halabyuuuuuu.”
“Ate Annie kelan ka po balik sa Showtime kamiss kapo.”
“Ily ate Ann, we missed you.”
***
MARAMING nagtaas ng kilay kung bakit nagawang magpakasal ni Glaiza de Castro sa mister na si David Rainey nitong nakaraan taon, October 12, 2021 at inilihim niya ito.
pen na kasi si Glaiza na magpapakasal na siya at hinahanda na niya ang kasalan at nasabi pa niyang feel niya raw ang isang beach wedding at tila sa probinsiya nila sa Baler ang balak niyang venue.
Naging dalahin para kay Glaiza ang lihim niyang pagpapakasal kaya nang ihayag niya sa programa ni Jessica Soho na “Kapuso Mo Jessica Soho” ay gumaan ang pakiramdam niya at parang nabunutan ng tinik ang Kapuso actress.
Ano kaya ang tunay na dahilan at nagawa nila ng mister na magpakasal na malayo sa mata ng publiko at sa ibang bansa pa? Ayon kay Glaiza, nirespeto niya lang ang pagiging pribadong tao ng kanyang mister.
“We’re just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family,” say ni Glaiza.
Pagkatapos ng pagtatapat ni Glaiza ay agad naman siyang nagpasalamat sa kanilang followers sa kanyang social media account.
“After we got married, some people were asking, when we are going to announce it and I honestly thought wether to share it or not since we are also preparing for a wedding in the Philippines.
“Naisip ko na kung i she share man namin ‘to, gusto rin namin i share yung naging kwento at proseso namin.
“Maraming salamat @km_jessica_soho for perfectly telling our story and @sparklegmaartistcenter for being part of this process”.