Advertisers
LAGING ibinibida ng mga opisyales ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na kailangang magpabakuna ang lahat para may proteksiyon laban sa COVID-19.., subalit, may mga FULLY VACCINATED na ang kanilang ikinamatay ay sakit pa rin sa COVID-19.
Hanggang sa ngayon ay walang ibinabalita ang DOH na mga bakunadong namatay.., na makikita lamang ang mga namatay sanhi ng pagpapabakuna mula sa mga fb post.., yun nga lang hindi nagtatagal ang mga fb post dahil binubura.
Bilang patunay sa mga namatay sa pagpapabakuna ay halos mga DOCTOR at mga COVID VACCINE ADVOCATE ang nadadale.., PROUD papiktyur pa ang mga ito at PROTEKTADO na raw sila ng COVID VACCINES pero ilang buwan lang ay sementeryo na ang kanilang hinantungan.., kasi nga, ang mga bakunang ginagamit ngayon ay CLINICAL TRIALS.., inieksperimento pa lang kung ano ang epekto sa tao.., yan nga, may mga namanatay mula pa nitong nakaraang taon nang pasimulan ang bakunahan.
Tulad sa sinapit ni DR. HENRY PAROHINOG ng DIPOLOG CITY.., nagpabakuna noong August 28, 2021 at noong October 19, 2021 ay namatay ito sa sakit na COVID.
Habang nakikipaglaban sa sakit na COVID ay namatay sa CARDIAC ARREST noong October 29, 2021 si DR. GENE LICUP, 55 ng MEDICAL CITY, ILOILO CITY. Nagpabakuna ito ng SINOVAC noong March 8, 2021 at ang 2nd dose ay noong April 9.
Sa COVID VACCINE din namatay si retired POLICE LT. COL. CLEMENTE BARCENA JR, 61 ng BANDRIL, NAGBUKEL, ILOCOS SUR. Ang 1st dose nito ay noong May 6, 2021 at namatay noong October 12, 2021.
Mula nang nabakunahan si DR. MARNY LEOBRERA ng LUISIANA, LAGUNA ay 8- buwan na lang ang itinagal ng kaniyang buhay. First dose nito ay noong March 23, 2021 at noong November 4, 2021 ay namatay sa sakit na COVID.., hindi naprotektahan ng bakuna.
Isa sa tinanghal na BEST ORTHOPEDIC SURGEON ng MEDICAL CENTER DUMAGUETE na si DR. EMMANUEL KATADA, 61 na FULLY VACCINATED at nangunguna sa panghihikayat na magtiwala sa bakuna para may proteksiyon laban sa sakit na COVID.., pero, noong November 12, 2021 ay sa COVID din namatay.
Ang dating COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) CHAIRMAN na si CHITO GASCON, 57, bakunado at nangunguna rin sa panghihikayat na magpabakuna at magtiwala sa COVID VACCINE upang huwag magkasakit o mamatay sa COVID.., pero sa sakit na COVID din ito namatay noong October 9, 2021.
Maraming mamamayan ang napilitang magpabakuna dahil sa naging panggigipit ng GOVERNMENT sa mga ipinairal na HEALTH PROTOCOLS tulad ng NO VAX NO RIDE… NO VAX NO ENTRY sa mga establisimiyento.., pati mga empleyado pinuwersang magpabakuna at marami sa mga ito ay natanggal sa kanikanilang mga pinagtatrabahuan dahil ayaw magpabakuna. Gayundin, ang mga mag-aaral ay napilitang magpabakuna dahil hindi makakapag-enrol at makakapasok sa eskuwelahan kung hindi bakunado.., resulta.., may mga nangamatay na mag-aaral.., naghangad makapagpatuloy sa pag-aaral kaya nagpabakuna pero sa sementeryo na naenrol ang mga ito.
Ang ating mga LAWMAKER ay bumuo ng COVID VACCINATION PROGRAM ACT OF 2021 o ang RA 11525.., nakasaad dito na hindi puwedeng gawing additional mandatory requirement for education, employment and government transaction ang COVID-19 VACCINATION CARD.., pero, ano ang nangyari at tila namayagpag pa ang pagpapairal ng sapilitang pagbabakuna gayung sa COVID pa rin namamatay ang mga nagpabakuna?
Dapat itigil na ng DOH ang pamumuwersang pagpapabakuna at irespeto kung ano ang nais ng bawat indibiduwal para sa seguridad ng kanilang.mga kalusugan.., sa gayun ay wala nang tatangis at magmumura sa paninisi dahil sa pagdanas ng adverse effect o napaagang kamatayan dahil sa EXPERIMENTAL VACCINES!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.