Advertisers
KALUNUS-LUNOS ang kalagayan ng 500 pamilyang naninirahan sa Distrito 5 ng Quezon City dahil anim na taon nang walang resulta ang kanilang inaplayang programang “Pabahay at Palupa” ng pamahalaan.
Ito’y dahil hindi nagkaroon ng sariling bahay hanggang ngayong 2022 na dapat sanay tinitirahan nila.
Kaya, patuloy na naghihirap ang 500 pamilya ng Distrito 5 sa Quezon City.
Ang masama nagbayad ang bawat pamilya ng P10,000 hanggang P40,000 sa nag-alok at naghikayat sa kanila ukol sa programa.
Pokaragat na ‘yan!
Tanggapan ni 5th district Representative Alfred ang itinuturong salarin sa masamang sinapit ng mga residente.
Naisiwalat ito sa publiko ni Quezon City Councilor Allan Francisco nitong Pebrero 14 (Lunes) sa Sangguniang Panglungsod.
Sa kanyang privilege speech, tinumbok ni Francisco na mismong opisina ang naglunsad ng prograng pabahay ay walang iba kundi ssi Vargas.
Sinabi pa ni Francisco na 2016 nagsimula ang a proyekto.
“The project ,was initiated by the office of Vargas in 2016 but six years after, no house and lot were provided to the recipients even as they have already paid from P10,000 to P40,000 as partial or full payment to become a recipient”, birada ng konsehal.
Ipinagtanggol si Rep. Vargas ng kanyang kapatid na si Konsehal Patrick Vargas.
Pamumulitika raw ang isinawalat dahil ngayon lamang inilabas sa publiko, ayon sa konsehal.
Idiniin niya na mayroong mga dokumento ang kampo ni Vargas na magsasabing hindi sangkot ang kongresista sa panloloko sa 500 pamilya.
Ngunit, tiniyak ni Francisco na hindi inembento ang kanyang mga pahayag dahil nakabatay ang mga ito sa sumbong at reklamo ng nga residente na sinangkapan ng mga ebodenya.
Mayroon ding mga dokumentong galing sa Socialized Housing and Finance Corporation (SHFC) at ng Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod of Quezon City.
Wala raw mga dokumentong magpapatunay na totoo at ligal ang proyektong pabahay at palupa, saad ng konsehal.
“Apparently, they were swindled. Defrauded! Ilang milyong piso po kaya ang nakolekta from more or less 500 families”, paliwanag niya.
“But as I listened to their grievances, I could safely conclude that these families lodged legitimate concerns. With the documents they have provided and trusted me, I would say that they are in dire need of my office’s intervention apart from legal remedies”, birada ni Francisco.
Sabi pa ni Francisco, sa mga nakuha niyang acknowledgement reciepts a kitang-kita ang “signature of certain Teny C. Asmiralde, signing as officer-in-charge and community organizer of Vargas.
Pokaragat na ‘yan!
Higit na napagtibay ang ibinunyag ni Francisco nang ipaliwanag ng SHFC sa liham nito kay Francisco noong Enero 12, 2022 na: “Based on our records, there is no loan application received by the branch with respect to any of the above mentioned projects. Having no such record, we cannot also give you any information as to the CMP-Ms (Community Program-Mobilizers) of these projects.”
Nakasaad naman sa sertipikasyon ng Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod of Quezon City nitong Pebrero 8, 2022 na : “Based on available records on file, it would appear that there is no approved measure by the Quezon City Council relative to Build Homeowners Association, Vargas Village 9, Vargas Village 18 and Vargas Village 20 Homeowners’ Association.”
Kaya, bigwas ni Francisco: “I smell something fishy. Totoo po ba talaga itong sinasabing “Palupa at Pabahay” ng iginagalang nating Congressman? Ni walang plano, permit, accredited Mobilizer. Ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na ‘PEKE, SCAM o DRAWING LAMANG at GIMIK PANG-PULITIKA’. At ang mga kawawa nating kababayan ang nabiktima. Apparently, they were swindled. Defrauded! Ilang milyong piso po kaya ang nakolekta from more or less 500 families”.
Aniya pa, “no less than the congressman (Vargas) and program-in-charge Teny Asmiralde were present”.
Ang mga bakanteng loteng tinukoy ng programa ay matatagpuan sa Buenamar Subdivision, Barangay Novaliches Proper at Palmera Homes, Barangay Sta. Monica sa Distrito 5, Quezon City.
“Taong 2016 pa po ito mga iginagalang kong mga kasama o mahigit kumulang na anim na taon nang sila ay magbayad. Inabot na nga po tayo ng pandemiya, at sa kasamaang-palad, hanggang ngayon, wala pong nangyayari sa naturang programa at ang isa po, mayroon nang nakatayong gusali, pero hindi po para sa kanila”, paliwanag ni Francisco.
“Based on these, the Congressman and his office are part in this non-existent project. Sa tingin niyo ba, may corruption? Hindi po ba niya alam ang tenet na “Public Office is a Public Trust?” What happened here is the height of betrayal of public trust.”
Mr. Presiding Officer, from what I disclosed today, and considering the plight of these families who appeared to have been swindled and defrauded, it is my strong position that the disposition of the matter should not end here. Those involved should be held responsible and accountable for what they maliciously and wittingly did to these poor families. Truly, these poor families were taken advantage of. Kawawa na nga sila, mas lalo pa silang kinawawa. Hindi na kayo naawa!” , patuloy ni Francisco.