Advertisers

Advertisers

AJ at Aljur huli, nag-check in sa hotel sa Leyte

0 267

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

BIKTIMA ng basag kotse gang ang SUV car ni Gerald Anderson sa may Roces Avenue, Quezon City. Grabe na sa harap ng building ng gym na pag-aari  mismo ng actor nangyari last January 31 at  hindi last February 13.

Ayon na rin sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), makikita sa CCTV footage na may dalawang motorsiklong tumabi sa harapan ng black SUV ng actor na nakaparada bandang alas-singko ng hapon. Pagkasilip sa loob ng sasakyan ay binasag kaagad ang kaliwang bintana ng kotse at saka kinuha ang isang bag.



Pagkatapos ay kaagad na sumakay ang suspect sa isang nakaparadang motor. Pero bumalik pa ito sa kotse para kunin ang isang bag na nakapatong sa front seat.

Kaagad na tumakas ang dalawang suspect na may back-up pang isang lalaki na nakasakay din sa motor.

Sa tulong at imbestigasyon ng NBI Special Action Unit ay nahuli ang isa sa mga suspect.

“Sa aming pag-iimbestiga, naka-receive kami ng information  na yung mga motor na ginamit, na-identify  sa isang Tondo-based na “basag kotse gang.”  Nagkaroon kami ng surveillance and casing operation hanggang sa natunton  yung bahay ng isa sa mga napuntahan  ng gamit  ni Gerald Anderson,” pahayag ng NBI SAU executive officer na si Atty. Kristine dela Cruz.

Sumuko sa NBI ang suspect na si John Allen Dancel na may alias na Elong  na umamin na siya ang bumasag ng salamin ng SUV car at tumangay ng mga gamit ng actor.



Narekober ng mga awtoridad ang isang mamahaling bag, dalawang relo at mga gadgets, pero hindi na natagpuan ang isang wallet, mga ID at psaporte ng actor.

Ayon sa report ng ABS-CBN, kasama na nakuha ng suspect sa kotse ng actor ay ilang alahas, credit card, laptop at P50K cash.

At  nahuli raw ang mga suspect  ng NBI  nang buksan ang laptop  at  mag-transfer ng P50K galing sa  crypto wallet ng actor.

Sa naging pahayag sa suspect, hindi raw nila alam na kotse ng actor ang kanilang mabibiktima.

“Naghahanap po kami ng madidiskartehan ng pera. Hindi po namin sadya na makita yung sasakyan  ni Sir Gerald Anderson. Tapos, noong  sinilip ko po, may laman po yun, kinuha ko po,” pag-amin ng suspect.

***

GRABE ang biglang sikat ng baguhang sexy star na si AJ Raval na ngayon ay pinapantasya ng mga kalalakihan.

Siya ay anak ng sikat na action star na si Jeric Raval at gusto siyang sundan ni AJ  maging isang female action star.

Nasundan niya ang pagiging artista ng ama pero sa sexy movie siya nasabak na wala itong pakialam pagdating sa mga daring role.

Ngayon ay isa na siyang pinapantasya ng mga barako at maging ng kapwa babae dahil sa angking ganda at walang kiyeme pagdating sa mga love scene.

Sa ganda at sariwa pa ni AJ kaya hindi nakapagtataka kung magkagusto sa kanya si Aljur Abrenica.

Nahuli nga raw ang dalawa na nag-check-in sa isang hotel sa  Leyte. Hindi sila nakaligtas sa mata ng mga Marites kaya agad na kumalat ang larawan nilang magkasama.

Kantiyaw tuloy ng mga netizen na baka magkaroon na rin ng  kapatid sa ama ang mga anak niya kay Kylie Padilla.