Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TRENDING ang commercial ads ni Angelica Panganiban na nagpaalala ito sa mga botante.
Huwag nga raw paloloko at pabubudol sa panahon ngayon dahil dagsa ang may matatamis na salita ng mga kandidato at ending, mapapako.
Sa paalaala ni Angelica sa mga botante ay tila may umaray.
Isa ngang netizen ang tila hindi nagustuhan ang parunggit ni Angelica.
Ni-repost ng basher sa kanyang socmed ang video ng commercial ads ni Angelica at tinag pa nito ang aktres.
At may pahaging ito kay Angelica, ‘nag-ingay na naman ang starlet.’
Pero ‘di pinalagpas ni Angelica ang basher sa pagtawag sa kanya ng starlet at sinopla niya ito.
Ayon kay Angelica, ‘pero affected ka sa starlet.’
At di na rumesbak pa ng komento ang basher sa patutsada sa kanya ng aktres.
***
Heart nakatapak ng ebak ng aso sabay rampa
ANG never daw na mapo-forget ni Heart Evangelista na ganap sa Paris nang umaten ng fashion show.
Umalingasaw daw sa baho dahil sa pagtapak niya ng ebak ng aso at close event ‘yung fashoon show.
Kahit nangangamoy ebak ng aso na naapakan ng aktres, tuloy ang kanyang pagrampa.
May mga pics pa nga ang actress na naka-post sa kanyang outfit na pinangrampa habang nangangamoy ebak siya ng aso na kanyang naapakan.
Never nga raw niya makakalimutan ‘yun na ganap sa kanya.
Natatawa na nga lang daw si Heart ‘pag nagbabalik alala kapag nakikita ang suot niyang damit na rumampa na nakaapak siya ng poo-poo ng aso.
Well, well, well…’Yun na!