Advertisers

Advertisers

BBM sama-sama caravan sa Maynila

0 420

Advertisers

AARANGKADA na ang biggest caravan sa Lungsod ng Maynila na inorganisa ni Manila Mayoral candidate Atty. Kuya Alex Lopez para sa Uniteam ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa darating na Linggo na ito mga katoto, Pebrero 20, mark your calendar, magsuot ng pula bilang pakikiisa sa ating pambato sa Maynila na si Atty. Kuya Alex at Vice Mayoral candidate Raymond Bagatsing.

BBM sa bansa! Atty Alex Lopez sa Maynila!



***

NAIS higitan nina Kuya Alex at Raymond B. ang isinagawang caravan sa Quezon City noong Disyembre 8, 2021 nina QC Mayoral candidate Mike Defensor at ka-tandem na si Winnie Castelo.

Naniniwala si Atty. Lopez na naririyan pa rin ang solido suporta ng mga Marcos loyalist sa Maynila.

Kaya tara na mga loyalista!

***



ANG naturang biggest caravan ay pagpapakita na rin ni BBM ng buong suporta sa kandidatura ni Kuya Alex at kanyang team pagbabago sa Maynila.

Naniniwala kase si BBM na si Kuya Alex ang best choice bilang kapalit ni outgoing Mayor at Presidentiables Isko Moreno.

Ang kailangan kase sa Maynila, ekonomista, hinde dermatolohista!

MANILA 1ST POLICY NI ATTY. KUYA ALEX

NARITO ang ilang bahagi ng programa ni Atty. Lopez  na, UNA MUNA ANG MAYNILA o sa ilalim ng Manila first policy.

Sa ilalim ng kanyang post-economic recovery program at bilang ekonomista at builder, tutukan niya ang pagbibigay trabaho sa mga Manileno sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga friendly investors sa Maynila.

Kaya ‘yan ni Kuya Alex!

***

ANIYA, “dahil bagsak ang kalakalan at negosyo, magpapautang tayo ng P20K hanggang P50K sa mga Manileno upang makatayo sila sa sarili nilang paa.” Libreng  pagkuha ng birth certificate  ng mga Manileno. At libreng police  clearance  para sa mga first time job seeker na Manileno.

Para naman sa mga city hall employees, ipapatupad ni Atty. Lopez ang batas sa ilalim ng R.A 11466 o ang Salary Standardization law na hindi nagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ibigay ang nararapat na insentibo, allowances at lahat ng benipisyo nakapaloob sa nasabing batas.

Ganyan dapat sa maynila!

Narito pa ang ilang bahagi ng plano at prograna ni Atty. Kuya Alex sa Maynila:

1. TAX-FREE BUSINESS. Hihikayatin ni Atty. Lopez ang mga big businesses or investors local man o foreign investors na tax-free sa loob ng 3 hangang 5 taon (*maari lamang nilang ma-avail ang ganitong prebilihiyo kung 80 porsyento ng kanilang empleo ay mga Manileno.

2. TAX RECOVERY AMNESTY. Mag-aalok si Atty Lopez ng 50% tax amnesty  (*Sa loob ng 6 buwan upang makabangon ang mga maliliit na negosyo)

3. KASOSYO Loan (o pagpapautang ng city mula 20k hanggang 50k sa mga small medium enterprise (SMEs)

4. AYUDA. One time na 1k financial assistance sa mga 1st timer job seekers o freshmen na botanteng Manileno. (libreng pagkuha ng birth certificate, police clearance, mayors permit at iba pa.) at pagtataas ng ayuda sa mga senior citizen mula sa P500 to P1,000 plus health medicine package.

5. SELF-RELIANCE. Pagpapalawak ng mga TESDA centers at hikayatin ang mga Manileno na hasain ang kanilang skills o kakayahan at kaalaman para bumangon sa sarili nilang mga paa. (*Magbibigay ng cash incentives sa pagtatapos nila sa pag-aaral)

SA USAPIN NG PROGRAMA PANGKALUSUGAN AT COVID RESPONSE:

1. Pagtatayo ng isang Manila/911 emergency response team na may 24/7 hotline at operasyon. Para sa mabilis na pagresponde sa mga aksidente at krimen.

2. Bukod sa bakuna, pagbili ng mga gamot at bitamina na magpapalakas sa immune system ng isang indibiwal na katiyakan may makukuha medisina sa bawat health centers ng Lungsod

3. Pagbibigay na dagdag na insentibo o allowances sa mga barangay health workers.

SA ISYU NG PEACE AND ORDER

Pagtatayo ng Central CCTV monitoring na siyang tutok sa mga kaganapan sa Lungsod. Hahawakan ito ng mga propesyonal at may malalim na karanasan sa law and order. (may karugtong…)

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)