Advertisers

Advertisers

Cyberl libel case ni Pacman versus Pastor Quiboloy, ibinasura!

0 458

Advertisers

TULUYAN nang ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang Php 100 million cyber libel case na isinampa ni Senator at presidential aspirant Manny Pacquiao laban kay Kingdom of Jesus Christ founder, Pastor Apollo Quiboloy.

Sa desisyon ng Makati Prosecutor’s Office, nabigo ang kampo ni Pacman na patunayang may malisya ang mga naging pahayag ni Pastor Quiboloy laban sa senador patungkol sa maanomalyang multi million sports complex na ipinatayo ni Pacquiao sa probinsiya ng Saranggani.

Sinabi ni Quiboloy na bagamat tinustusan ito ng milung-milyong piso mula sa pork barrel fund ni Pacquaio ay natengga ang proyekto hanggang sa mabulok na lamang ito.



Nag-ugat ang pagbatikos ni Quiboloy kay Pacman makaraang sabihin ni Pacquiao sa media na “tatlong beses” na mas korap ang administrasyong Duterte kumpara sa nagdaang administrasyong PNoy.

Kilalang saradong supporter and defender ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pastor Quiboloy.

Speaking of religious leaders na nakikisawsaw sa pulitika dito sa ating bansa, isang retarded este retired Catholic Bishop sa katauhan ni Teodoro Bacani ang umeepal ngayon at nag-iiyak patungkol sa endorsement ng El Shaddai sa Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte-Carpio.

Kung di naman kupal at epal itong si Bacani,akalain mo bang ipinagpipilitang personal na desisyon lamang umano ni Brother Mike Velarde ang pag-endorso kina Marcos at Inday Sara at hindi umano kabuuang desisyon ng kongregasyong ng El Shaddai.

Kung di ba naman ungas itong laos na obispong si Bacani, batid ng madling pipol na kapag binanggit at pinag-usapan ang grupo ng El Shaddai, karugtong na ang pangalan ni Bro. Mike Velarde.



Si Velarde ang founder at “heart & soul” ng El Shaddai.

Si Velarde lamang ang kumuha bilang spiritual adviser ng El Shaddai kay retarded este retired Catholic Bishop Bacani, pero si Bacani pa mismo ang nagsisilbing “kalawang”ni Bro. Mike.

Ang buhay nga naman, kahit pa pakainin mo na sa sarili mong palad ang isang tao gaya nitong si Bacani, tutuklawin ka pa rin sa sandaling dumating ang isang hinog na oportunidad.

At ngayon ngang nasa panig na ng kalabang kampo nakakiling hindi lamang si Bacani kundi ang CBCP at liderato ng simbahan, to be straight forward, sa kampo ni VP Leni Robredo, asahan nang maglulubid ito ng mga kasinungalingan at paninira sa tandem nina BBM at Inday Sara Duterte.

Akalain n’yo po bang, mga kapariang imbes na banal na salita at ebanghelyo ang ipamahagi sa mga tao ay puro kasinungalingan at paninira sa kapwa ang isinasabog at ikinakalat.

Mga propagandistang naka abito!

In frairness sa ating mga kaparian, hindi lahat ng pari, kura paroko at mga kasamahan nito ay hindi pabor sa ginagawang ito ng liderato ng Roaman Catholic.

May seperasyon ang estado at simbahan ngunit tahasan itong nilalabag ng mga gay ani Bacani at ng iba pang matataas na opisyal ng relihiyon.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com