Advertisers

Advertisers

Franco Miguel barakong-barako sa pelikula pero malambot ang puso bilang ama

0 564

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKAHUNTAHAN namin si Franco Miguel at natuwa kami sa balita niya.

Nang kumustahin namin kung ano ang latest movie niyang ginagawa, tila excited na nabanggit niya ang naging proposal ng BF ng kanyang anak na si Abigail Pontejos.



“Nope tito, tungkol sa daughter ko, kasi nagulat ako nang nag-propose iyong BF niya, ‘Willl you marry me’.

“Nag-propose iyong bf niya na si Edward Rafallo, sa isang beach sa Zambales,” kuwento sa amin ni Franco.

Aniya pa, “Bunso ka iyan tito at sa ngayon ay pinag-uusapan pa iyong date ng kasal nila, depende sa luwag sa nangyayaring pandemic po.”

Handa na ba siyang maging lolo?

Nakatawang tugon ni Franco, “Hahaha! Opo naman tito, reading-ready na ako na maging lolo.”



Nalaman pa namin kay Franco na dalawang babae pala ang anak niya, and sa ngayon ay isa pa lang ang may asawa, “Tito, lahat sila ay complete college graduate na at mayroon nang sari-sariling business,” masayang banggit pa niya.

Si Franco ay nagsimula sa showbiz noong 1998. Napanood siya sa mga pelikulang sexy tulad ng Nena Inosente at ang kanyang launching movie ay Mapupulang Rosas with Allona Amor. Ang isa sa nagawa niya kamakailan ay ang advocacy film na Parola na mula sa tandem nina Direk Jun Posadas at Direk Danny Marquez.

Sa ngayon, aminado si Franco na mas priority niya talaga ang business niya bilang contractor. Pero ang kanyang passion at first love ay ang pag-arte sa harap ng camera.

Kabilang sa pelikulang aabangan sa kanya ang Balangiga 1901 na mula sa JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna at sa pamamahala ni Direk Danny Marquez.

Tampok sa Balangiga 1901 sina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, Jervy delos Reyes, Nicole Dulalia, at iba pa.