Advertisers

Advertisers

Julia at Xian nagulat sa pagkaadik sa catsup ni Marco

0 227

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DAHIL nasa location shooting sina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao sa malayong probinsiya ng Mindoro,  at naka-lock in para sa movie na “Bahay Na Pula,” a horror suspense movie from Viva Films na magsisimula nang ma-stream ngayong Feb. 25 sa Vivamax, no choice ang cast and crews na magdala ng kailangan nila personally at iba pang gamit sa pang-araw-araw.

Dahil sa madalas na magkasalo sa hapag-kainan ang tatlong aktor ay may napuna sina Julia at Xian sa kakaibang hilig sa catsup ni Marco. Halos lahat ng kinakain nito ay may halong catsup, ulam o sandwich man.



“We always try to eat together kasi magkakatabi lang ang rooms namin, para may kasama kaming kumain. Mahilig ako sa catsup when I eat, kaso wala silang ketchup doon sa resort. It’s good may baon si Julia na isang bote ng ketchup at ako ang umubos noon,” say ni Marco.

To the point na tila nawewirdohan na sina Xian at Julia sa kanya.

“Pinatikim ko sa kanila ang favorite kong sinigang with ketchup. Nawiwirduhan sila but I recommend it. I-try nyo, masarap siya. All in all, it’s a fun shoot, kasi lalabas ka lang ng kuwarto mo, the beach is there na, so parang nagbababakasyon lang kayo,” ani Marco.

Eh ano naman kaya ang nadiskubre ni Marco kina Xian at Julia?

“I’ve worked with both of them on TV so kilala ko na sila. But si Xian, inaasar namin ni Julia kasi it’s said na hindi marunong makipag-bonding with his co-stars. But it is not true naman pala,” dagdag na say ni Marco,



Sa istorya, Julia and Xian play husband and wife who return to Mindoro to sell the ancestral home that Julia inherited from her grandmother at si Marco ay ex-boypren ni Julia sa naturang bayan. Nang magkita muli ay nabuhay ang dating pagmamahalan nina Julia at Marco kasabay na rin ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari na magte-terrorized sa tatlo.

***

MARAMING Kapuso followers ang nagulat at di halos nakilala si Pauline Mendoza sa poster ng bago niyang sa Siyete, ang ‘Widows’ Web’ kasama sina Carmina Villarroel, Ashley Ortega at Vaness del Moral.

Eh kasi naman payat na payat tingnan si Pauline kakaiba sa nakasanayan ng kanyang mga supporters sa mga previous serye na ginawa niya.  Bakit kaya pumayat si Pauline? Nagmukha tuloy siyang matured na malayo sa tunay niyang edad na 22.

“I’m very excited about this and really grateful talaga dahil this is my very first matured role. Kakaiba siya sa roles ko in my previous teleserye which is ‘Kambal, Karibal’ ‘Babawiin Ko Ang Lahat,'” paunang sabi ni Pauline.

Dahil sa matured role ang kanyang karakter kaya kahit mahirap, sinubukan  ni Pauline na magbawas ng timbang para magmukha siyang matured sa kanyang role. Naging epektibo ang paraan ni Pauline sa pagpapayat.

“Very challenging ito, pero I take it as a challenge talaga to motivate myself as an artist na kailangan ibigay ko ‘yung 100% ko for this role, I had to give justice to this role  kasi sobrang bigat ng karakter ko sa serye at marami siyang pinagdaanan,” dagdag pa ng young actress.