Advertisers

Advertisers

Pilar preparado sa lock-in taping ng serye

0 320

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KAHAPON, February 16, ang pagbabalik-taping ni Ms. Pilar Pilapil para sa First Lady kaya tinanong namin siya kung ano ang preparasyon niya para sa nalalapit na lock in taping para sa bagong serye ng GMA.

“Well siyempre, I have to prepare myself physically, di ba? And also at the same time alam ko na naman kung ano ang role ni Blesilda.”



Gumaganap si Pilar sa First Lady bilang si Blesilda, ang ina ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion.

“And at this time kasi yung role ni Blesilda, hindi na siya masyadong masungit! Hindi na siya masyadong kontrabida.

“So medyo kumalma na yung ni Blesilda pero kung minsan, paminsan-minsan lumalabas pa rin yung pagkamaldita niya especially when it comes to her family.

“You know, especially when it comes to protecting her son from the public,” at natawa si Pilar.

“Pero all in all, medyo bumabait na dito si Blesilda and Blesilda has accepted Melody fully, you know, she has accepted her fully into her heart so okay na.”



Si Sanya Lopez ang gumaganap bilang si Melody Reyes-Acosta na napangasawa ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn kaya naging First Lady si Melody mula sa pagiging First Yaya noong 2021.

“Yun lang naman ang mga preparations and most of all I’m really preparing myself to make sure that everything would really go well with my health and all that,” pahayag pa ni Pilar.

***

SAMANTALA, gumaganap naman sa First lady, tulad sa First Yaya noong 2021, bilang mga anak ng Presidente at apo ni Blesilda (Ms. Pilar Pilapil) sina Patricia Coma bilang Nicole Acosta at Clarence Delgado bilang Nathan Acosta.

Kasalukuyang naka-lock in na rin ang dalawang Kapuso young stars kaya tinanong namin sila kung ano ang pananaw nila tungkol sa lock in taping na mukhang bahagi na ng new normal sa showbiz dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Lalo sila na mga kabataan at millennials na sanay lumabas at gumala tapos ngayon ay kinailangang nasa loob lamang ng “bubble” ng taping at hindi maaaring lumabas para na rin sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

“Mas inaano ko na lang po to enjoy the lock in and for self-development na rin po. Para po ma-enjoy ko ang taping.

“I think the pressure is there but good kind of pressure po siya, yung pressure na masaya gawin. Kaya nae-enjoy ko na lang po talaga siya,” pahayag ni Patricia.

“I guess nahihirapan lang po siguro sa [online] school kasi sabay po siya sa lock in pero kinakaya naman po.”

Para naman kay Clarence, may pros and cons ang lock in taping.

“Kapag po lock in, hindi ka nga makalabas, pero kaya naman po. Pero ang gusto ko po sa lock in dati sa First Yaya and ngayon po sa First Lady is nae-excite po ako gawin yung trabaho ko kasi yung mga cast members po and yung production [team] masaya po silang makasama.

“Nagkaroon na po talaga kami ng bond and connection po kaya every taping masaya po siya para sa akin,” sinabi pa ni Clarence.

Pilot episode ng First Lady noong Lunes, Valentine’s Day, February 14, at napapanood weeknights alas otso ng gabi.

Tampok din sa serye sina Cassy Legaspi bilang Nina Acosta na panganay na anak ng Presidente at kapatid nina Nicole at Nathan; Boboy Garovillo bilang Florencio Reyes; Sandy Andolong bilang Edna Reyes; Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia; Jerick Dolormente as Lloyd Reyes, Isabel Rivas bilang Allegra Trinidad; Francine Prieto bilang Soledad Cortez; Samantha Lopez bilang Ambrocia Bolivar;  Maxine Medina bilang Lorraine Prado; JD Domagoso bilang Jonas Clarito; Kakai Bautista bilang Pepita; Kai Cortez bilang Norma; Thia Thomalla bilang Valerie “Val” Cañete-Enriquez; Jon Lucas bilang Titus de Villa; Glenda Garcia bilang Marnie Tupaz; Anjo Damiles bilang Jasper Garcia; Kiel Rodriguez bilang Paul Librada at Muriel Lomadilla bilang Bevs.

Mula ito sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.